Wednesday, September 26, 2012

WASAK Wednesday.

Shupatembang. (Kapatid)

Bakla ka ba pre? Pakiss nga.

Saan nga ba nagsimula ang salitang BAKLA? Paano nga ba sila dumadami eh hindi naman sila nanganganak. Nakakahawa nga ba talaga  ang salitang "ka-ba-di-ngan". Ewan ko hindi ko alam. Pero paano mo ba masusukat kung tunay ka ngang lalaki? Nasa laki ba ito ng muscles? Nasa dami ba ito ng nadala mo sa kamang babae? Wag mo sabihing dahil may girlfriend ka ligtas ka na sa mapanghusgang salitang Bading, Beki, Badap, madami pa.

Dahan-dahan na silang natatanggap ng lipunan, pero may ilan pa din na sarado ang isipan sa pagtanggap sa mga naiibang uri ng kasarian. Bakla ang kadalasang tawag sa kanila (alam mo naman siguro kung ano yun.) May ilang mapaghahalataan mo na agad sa tikwas palang ng kanilang mga daliri, mga naghahabaan na pilik-mata, ang kembot na tila rumarampa sa isang fashion show, makukulay na make-up, at mahahabang buhok. Ganyan natin kadalasan sinasalarawan ang salitang Bading. Pero alam nga ba talaga natin ang ibig sabihin ng salitang ito? Hindi ba ito naiuugnay sa buong pagkatao? Maaring bading nga sila ngunit masasabi mo bang mas matapang at mas buo ang loob mo kung ikukumpara sa kanila? Isa na ata ito sa hindi matapos tapos na debate.

 
Nabasa ko sa isang blog ang Iba't ibang uri ng bading: Mula sa blog ni (  http://talaarawannibeki.blogspot.com )

IBA'T IBANG URI NG KABAKLAAN

Bakla, beki, bading, bek-bek, badap.. Kahit anu pa mang itawag sa amin ganito na talaga kami. Ayon sa aking obserbasyon, marming uri ang kabaklaan. Pero kung kayo ang tatanungin kung anong klase kayo, ano kayo sa mga sumusunod?
Dyosa: Ito yung magagandang beki na karaniwang sumasali sa mga pageant tuwing pista. Madalas silang manalo. Mahaba ang buhok, mala porselana ang kutis, maliit na beywang, at mayuming mukha. Walang bahid ng pagkalalaki sa katawan, babaeng babae kung titingnan. Minsan ay masmaganda pa ito kaysa sa tunay na babae. Mabenta sila sa mga kalalakihan. Mayroon itong dalawang uri, chixilog at SVB.
  • Chixilog - Kilala rin sa term na transvestite o cross-dresser. Chix na may itlog. Hindi pa ganap ang kanilang pagbabagong anyo, wala pa silang manika. Kuntento na sila sa packaging tape.
  • SVB o Salamat Vicky Belo - Kilala sa term na transsexual. Ganap na ang pagbabagong anyo. Hindi mo na mapagkakamalan na dati syang lalaki. Marami silang pera, kaya nilang lumipad papuntang thailand upang ipatanggal si junjun at palitan ng manika.
Syokla: Syokoy na bakla, kabaliktaran ito ng mga dyosa. Kapag nakatalikod ay mukhang sirena, pagharap ay mukhang sea weeds. Pambabae ang bihis, mahaba ang buhok, at hindi kagandahan. Kahit anong effort ang gawin pangit talaga. Sumasali din sa pageant tuwing pista pero kadalasan ay lusita. Ito ang pinakakawawa sa lahat, laging linalait at napagtitripan. Mayroon itong dalawang uri ng kachakahan, pangit ang mukha(pepsi) at pangit ang katawan(dyokla).
  • Dyokla - Ang uri na ito ay pwede sa dyosa. Sila ay dyosa na syokla, kalahating maganda at kalahating chaka. Napakaganda ng mukha na sumasalungat sa pangangatawan. Malulusog sila at malalaki ang boobang.
  • Pepsi - Kabaliktaran naman ito ng dyokla. Maituturing na pepsi sa kadahilanang sila ay sobrang sexy. Mas sexy pa kesa sa babae ang kanilang katawan. Sana ay naging katawan na lang sila sapagkat ang feslak nila ay chakarat.
Pangkaraniwan: Bihis lalake pero mas babae pa kesa sa babae. Marami silang kaibigan na babae. May allergy sa pukelya. Maraming ganito sa panahon ngayon, maspinipili nila ang ganoong anyo sa personal nilang kadahilanan. Minsan na din silang naghahangad maging dyosa. Maraming uri ang mga ganito.
  • Kriminal - Hindi sila legal sa bahay nila, alam ng sambayanang pilipinas ang tunay nyang kulay bukod sa pamilya niya na walang kamuwang-muwang. Natatakot syang sabihin sa mga magulang nya ang totoo.
  • ATM - Kadalasang kinakapitan ng mga lalaking walang pera. Ang lahat ng pera nya ay napupunta sa luho ng jowa. Isang sabi lang bigay na agad. Sila yung mga nagpapakatanga sa lalake.
  • Maria Clara - Pormal na pormal, pangsinaunang panahon pa ang mga paniniwala. Hindi makahulog pinggan. Kadalasan sila yung mga banal.
  • Tandang Sora - Matandang bading. Kahit wala ng natitirang buhok ay patuloy pa din sa pagrampa.
  • Butanding - Batang badaing. Kalabiktaran ng Tandang Sora.
  • Gwading - Gwapong bading. Maraming nagkakagustong babae sa kanila.
  • Pading - Pangit na bading. Kaparehas sya ng syokla ngunit siya ay bihis lalaki.
  • Arnelli - Hango sa pangalan ni Arnel Ignacio. Mayroon silang anak.
  • Cannibal - Marami ng ganito sa panahon ngayon, naniniwala sila na nauubos na ang tunay na lalaki sa mundo kaya’t kapwa beki na rin ang hanapin. Madalas silang nagpapanggap na babaylan kahit na ayaw nila sa babae upang mas tumaas ang posibilidad na magkaroon sila ng babaylan na jowa.
  • Baboy - Bading na nakapangasawa ng tomboy. Napakabihira lang nitong mangyari.
Babaylan: Ito rin ay kilala sa tawag na Bi o Bisexual. Maituturing na chickboy, pwede sa chicks at pwede sa boy. Ang hilig nya ay nasa parehas na kasarian, walang siyang pinipili kung babae o lalaki ang gusto nya. Kadalasan sila ay gwapo at maporma. Pagdating sa boogie-boogie, mayroong tatlong klase ang babaylan.
  • Top - Sila ang mga bumabayo.
  • Bottom - Sila ang mga binabayo.
  • Middle - Pwede syang bumayo o kaya naman ay magpabayo.
Paminta: Ang mga beki na pilit ikinukubli ang katotohanan kahit ramdam na ramdam na ng sambayanang pilipinas ang totoo. Nagkukulong sa masikip na kloseta. Ayaw magladlad dahil natatakot sa maaaring mangyari. Mayroon itong dalawang uri, buo at durog.
  • Pamintang durog - Durog na durog na ang kanyang kalooban sa katatanong ng sambayanang pilipinas tungkol sa kanyang pagkatao, malapit na syang magladlad. Tumetyempo lang sya at inuunti-unti ang mga pinagsasabihan ng sikreto. Mamamtay sya ng masaya at nakaranas na makalanghap ng malinis na hangin.
  • Pamintang buo - Buo ang kanyang kalooban na hindi umamin kahit na anu pa man ang mangyari. Kuntento sya na sarilinin ang nararamdaman. Mamamatay sya ng suffocated, malungkot at walang pinagsasabihan ng kanyang sikreto na sobrang obvious na.

Nahanap mo ba kung nasaan ka diyan? Kung wala ka sa mga nabanggit. CONGRATS! Tara pare safe ka pa! Cheers.

Malaki ang respeto ko sa mga kabadingan, para sa akin sila ang mas dapat kilalanin na matatapang. Dahil sila ang may mas malakas na loob para aminin at tanggapin kung ano talaga sila. Hindi din nating masasabing SALOT pa din sila, kahit saan ka pumunta meron at meron tayong makikitang katulad nila. Kung tutuusin ay sila pa ung mga mas nakaka'angat sa buhay may magagarang tahanan, naggagandahan na saksakyan at kung ano-ano pa.

Kaya bago ka humusga mapabading man yan o kahit ano pa. Mabuting alamin mo muna sa iyong sarili kung may karapatan kang husgahan ang pagkatao ng iba, dahil hindi ikaw ang dumaan sa pangu-ngutya, pangaalipusta ng ibang tao, at ang diskriminasyon. Pasalamat nalang tayo at ginawa kang normal ng Panginoon. Marahil hindi naman nila intensyon na kagalitan mo sila, pero isa lang siguro ang gusto nilang makamtam sa makabagong at mapagkutyang lipunan. Ang salitang "PAG-TANG-GAP" ang salita na ilang dekada na nilang inaasam.

Kaya ikaw girl! Yes ikaw na girl! Gumora ka nes ng bonggacious umaura ng umaura. As long as witchikels mes najujupakan na tao, mapaOnichi man yenchi or Otoko. Spread your wings and fly high!


No comments:

Post a Comment