Generation Dayhike.
(Mayabang ka nga bang tunay?)
Nakasabay mo na ba sila? Isa ka ba sa kanila? Malakas ka kung ganon. Papicture naman idol! Pleeeeeease? hihi!
Ingat po kayo sir/mam! Dayhike lang po ako. Hihi |
Oo, sila yan. Sila yung mga akala mong kasali sa marathon kapag nakasabay mo sa trail. Naiinis ka ba sa kanila? Ako hindi, isa kasi ako sa kanila eh. Joke! Mga mountaineer/hiker na tila laging may nakahabol na cheetah sa likod nila, babatiin ka lang ng "Good morning Sir/Mam! Pa'advanced nalang po ah?" Kipit balikat mo naman din silang babatiin "Sige lang po Sir/Mam. Ingat po!" Anung magagawa mo? Eh pinaglihi sila sa baterya at ang mga hita niyan gawa sa adobe. Pero real talk kaibigan madami ng ganyan ngaun, USO kaya ang paiklian ng oras ! Masayado ng mabilis ang pacing ng mundo kailangan mong sumabay.
Mas mainam nga naman talaga ang salitang DAYHIKE kesa OVERNIGHT.
Ako'y isang proud na "Dayhiker" Hindi ko kailangang magbitbit ng nagbibigatang The North Face, Deuter, Columbia, Jack Wolfskin, Mountain Hardwear, Osprey at kung ano pang bigtime na backpack. Ang tanging kailangan ko lang ay isang backpack na kakasya ang mga kailangan ko kagaya ng trail water, packed lunch, first aid kit, pamalit na damit, headlamp, etc. Lalong walang silbi ang nagmamahalan na tent dahil hindi ko naman kailangan. dayhike nga diba? Pero ang pinakaimportante sa lahat. Hindi ko na kailangan pang dumagdag sa bilang ng mga Campers. Maliit na tiyansa din na madagdagan ko pa ang kalat sa campsite dahil naka'lunchbox naman ako, kung wala ed plastic kasyang kasya naman siguro yun sa day pack ko hindi ko na kailangang isiksik sa mga malalaking bato o' itapon sa bangin para walang makakita ng basura ko.
Less trash. |
Less impact. |
DAYHIKE. Bakit nga ba ito ginagawa? Isang simpleng sagot lang ang pinapaniwalaan ko. "Less Impact, Less Trash". Saka ipapaalala ko lang sayo na nasa Pilipinas ka, wala tayo sa Alpine Mountains. Ang pinakamataas na bundok sa atin ay katumbas lang ng minor sa ibang bansa. Maraming bundok ang kayang kaya akyatin sa loob ng isang araw kahit major pa ang rate of difficulty, Pero wag kang OA wag mo na subukan mag Si-ca-poo dayhike, di kaya naman ay Kibungan Circuit dayhike. Lalo na ang Mantalingajan Trav dayhike. Wag mo ng ipaglaban yang kapilosopohan mo Iho.
May mga mountaineer/hiker kasi na sinusubukan ang kanilang resistensya at tatag. Maaring nakailang balik na ito sa isang bundok kaya kabisado na niya ito. Pwede din itong part ng training para sa nalalapit na Major Major Climb. Pero meron din namang nabibitin kung magda'dayhike lang, marahil gusto niyang damhin ang environment ng kabundukan baka broken hearted kailangan ng alone time. Ganon pa man lahat tayo ay may pagkakaiba, nasa sa atin na yan kung paano natin iintindihin ang mga bagay-bagay. May aayon, Mayroon din sasalungat.
May mga importanteng bagay lang naman na kailangan natin bitbitin sa pag'akyat mapa'dayhike man yan o' kahit isang linggo ka sa Batulao.
COMMON SENSE.
RESPONSIBILITY.
DISCIPLINE.
Kung alam mo talaga ang ibig sabihin niyan. Apir ! Tara dayhike tayo! :)
No comments:
Post a Comment