I have survived Mount Pulag. (via Akiki trail)
Mount Pulag as seen from akiki jumpoff. |
Mount Pulag (Kabayan, Benguet) kilala bilang Luzon's Highest peak/ 3rd highest peak in the Philippines. May sukat na 2922masl,
nahahati ito sa (4) na trail Ambangeg, Akiki, Tawangan, Ambaguio.
nahahati ito sa (4) na trail Ambangeg, Akiki, Tawangan, Ambaguio.
February 10 2012.
DENR |
Habang busy ang lahat dahil fiesta sa aming lugar, ako
naman ay gayak na gayak na sa aking akyat sa Mount Pulag. Sinigurado ko
na wala akong makakalimutan ni isa sa mga gamit ko, matapos akong
makapagpaalam sa bahay ay tumulak na ako papunta ng Victory Liner Bus
Terminal sa Cubao. Tila sumobra ang aking pagliligpit ng biyahe dahil
pagbaba ko ng foot bridge ay paalis na ang aming bus. Oo men! nasa
edsa na ung bus nung dumating ako, tumakbo ako sa gitna ng Edsa! Buti
nalang hindi sa bandang gitna dumaan yung bus kaya nakatigil pa ito para
pasakayin ako. Sinalubong ako ng masigabong palakpakan mula sa mga
kaibigan at kasama ko sa climb. Dahil beating the buzzer nga daw ako,
muntik ko ng mapalagpas ang pinaka'memorable na climb. Ito ang unang
pagkakataon na makaakyat ako sa benguet at lumipas ang mahigit 10 taon
ay makakarating na ulit ako ng Baguio. Hihi! Matapos ang humigit 5 oras
na biyahe pa norte ay narating namin ang Baguio, mas ginusto ko pang
manatili sa bus kesa sa bumaba dahil sa sobrang lamig! Kinailangan ko
pang suotin ang makapal kong jacket kasabay ng paghigop ng mainit na
Strawberry Taho para lang makatambay sa labas. Ilang minuto lang ay
dumating na ang jeep na maghahatid sa amin patungong Mt.Pulag National Park para sa maikling briefing at para makapag'log in na din. Pero bago dumating doon ay may dinaan kaming sikat na lugar kainan ng mga umaakyat ng pulag ang Pinkan Jo'Eatery masasarap ang mga pagkain dito at maganda ang bantay ng tindahan nila. (promise!) kaya binabalik-balikan ito ng nakararami.
Akiki jump off |
Mahigit 2 oras na biyahe sa mabangin na daan ang kailangan naming daanan para marating ang main jump off ng Akiki trail sa Kabayan, Benguet. Binati kami agad ng matarik na daan bago makarating ng Ranger Station. Mula dito ay nagpasya na kaming mag early lunch bago kami magsimulang magtrek papunta sa una naming destinasyon ang Eddet River na magsisilbi naming campsite para sa araw na yon. Matapos naming kumain ay nagumpisa na kami sa mahigit 2 oras na akyat baba para marating ang Eddet River. Ito ang aming magiging campsite dahil sa malapit na water source, nilabas ko na ang aking bagong biling tent para subukan kung kakayanin ba nito ang lamig ng lugar. Napakaganda ng panahon noon, mahangin na maaraw magandang timing to para sa mga nagtre'trek. Dumating na din ang iba naming kasama kaya nagumpisa na din kaming magluto ng aming makakain para sa gabi dahil kailangan namin gumising ng maaga para magtrek papuntang campsite ng Pulag. Pagkatapos naming kumain ng gabihan ay may naglabas na ng isang bote ng GSM (pampainit bago matulog). Kaya ayan start na kami ng socials namin, wala pang 2oras ay ubos na ang alak kaya nagsipasukan na kami sa aming mga tent para magpahinga.
Ang sikat na Pinkan Jo Eatery. |
Photo ops bago kami magsimula magtrek. TEAM SOLE! |
view from Mt.Pulag National Park shot by Sam Sergio |
view from Akiki Ranger Station |
Marlboro Country. |
Kinaumagahan matapos kaming magkapag almusal ay hindi na kami nagsayang ng oras at nagsimula na kami magtrek paakyat. Maganda ang panahon noong nagsimula kami, totoo nga ang mga sabi sabi ng mga nakadaan na dito. Napakatarik ng trail at tila nanganganak pa, aakyatin mo ang mataas na parte sabay sasalubungin ka pa ng madaming mas matatarik pang daan! Nakarating kami ng Helipad matapos ang 1oras na akyat mula sa Eddet River. take10! grabe ang hirap ng trail sobrang tatarik! kaya binalibag ko na ang backpack ko na mahigit 20kilos ang bigat. Humiga saglit para makakuha ng lakas para sa susunod pang 6 na oras paakyat ng campsite. Nagsimula ulit kaming umakyat, damang dama ko na ang hirap ng daan habang pataas naman ng pataas ang trail. Pero nakakapawi naman ng pagod kahit papano ang tanawin mula sa trail may dinaanan kami dito na parang plantation ng puting bulaklak, nagtataasan na pine trees, saka ang malamig na klima. Nakarating kami ng Marlboro Country saktong kailangan na namin kumain ng tanghalian, mabilis na kain ang ginawa namin para ang matitirang oras ay ibubuhos namin para makaidlip man lang kahit saglit. Dahil ilang oras pa ang layo namin sa campsite kailangan pa naming umakyat ulit ng 3 oras sa tinatawag na mossy forest kung saan wala ng isang oras ang layo nito sa campsite. Maganda pa din ang panahon mula sa Marlboro Country.
Eddet River. |
Dun pa kami sa taas nun! Tapos sa taas pa nun! |
Greetings from Akiki trail! |
Magsasawa ka sa ganitong daan. Promise |
4hours nalang campsite na...
Last solo photo before the most awaited tragedy! |
Kahit sobrang pagod at hingal. Yan nalang ang mindset ko habang tinatahak ang mossy forest, mas friendly na ang trail kahit papano kung ikukumpara mo ang daan sa Marlboro Country. Walang namang kakaiba sa mga oras na iyon, pero alam ko na may kalayuan na ang distansya namin mula sa huling grupo. Narating namin ang huling watersource, dito ay nagtake'10 kami para hintayin ang mga kasama para sabihan magload na ng tubig na dadalin namin sa campsite. Naalala ko pa na sinabihan ako ng guide namin na "Sir, ung mga gustong magsuot na ng jacket isuot niyo na po. Nagbabadya ang ulan" Napaka'araw pa noong sinabe niya sakin yan, nagtaka ako kung pano niya nalaman pero dahil mas alam niya ang daan ay sinuot ko na ang pang ulan ko na jacket. Pinuno ko na din ang 6L na tubig sa takot na wala ng water source sa taas. Habang nagpapahinga ay nakuha ko pang magpa'picture dahil sabi ko sa guide ko na baka ito na ang huling picture ko kung babagyuhin tayo. Hindi lingid sa kaalaman namin na may nagbabadyang bagyo ayon sa weather forecast na nabasa namin. Pero dahil nandito na kami wala ng atrasan sayang ang pagkakataon. Yun na pala ang huling pagkakataon na makakausap ko ng maayos ang mga kasama ko.
Pabati muna! Hihi. |
Nagumpisa ng umambon habang tinatahak namin ang mossy forest, sa pangambang lumakas ang ulan nagpasya ako na sumabay kami ng guide ko (July) sa nauunang porter at dun nalang kitain sa campsite ang iba naming kasama. Nagmadali na kaming maglakad na parang may humahabol sa aming armadong grupo. Pagkalabas na pagkalabas ng mossy forest ay may narinig akong malakas na ugong ng hangin parang may helicopter na papunta sa aming direksyon wala pang isang minuto ay binayo kami ng napakalakas na hangin kasabay ang malakas na hagupit ng ulan. Oo! tama nga ang prediksyon ng guide namin. Sa sobrang lakas ng hangin ay hindi ko na makita ang daan basta ang alam ko lupa pa ang dinadaanan ko na pagtumingin ako sa kaliwa't kanan ay purong puti nalang. (Bangin na pala ito!) magkasunod lang kami ng guide namin. Kinakailangan pa namin dumapa at umupo para hindi kami matangay ng malakas na hangin, at ang patak ng ulan ay parang maliliit na butil ng mais na tumatama sa katawan namin. Dala na din ng sobrang pagod pinilit ko nalang din makarating ng campsite, pero dahil sa lakas ng ulan ay hindi kakayanin magcamp sa labas. Salamat nalang sa hindi kalakihan na kubo (ang pahingahan ng mga guide sa Saddle Campsite) Doon na kami dumiretso kasama ang 2 naunang porter at kaming 2 ng guide. Sa loob ng kubo ay damang dama namin ang hagupit ng ulan at hangin akmang inuuga na mismo nito ang kubo. nakapag'palit na ako ng damit, nasuot ko na ang 2 patong na t-shirt, 1 longsleeve at jacket. Habang ang pangbaba ko naman ay isang makapal na jogging pants habang nakapatong ang aking tuyong trek pants. Handang handa na ako matulog, hindi ko na ininda ang gutom ang importante makapagpahinga na ako sa madaling
panahon. Lumipas ang isang oras nagumpisa ng kainin ng dilim ang lugar, wala pa din akong matanaw na tao o kahit ilaw man lang. Dito na ako nagumpisa kabahan para sa mga kasama kong naiwan sa trail. Lalong lumakas ang ulan at hangin kinausap ko ang aming guide na si (July) kung maari niya bang sunduin ung mga naiwan kong kagrupo, kahit pagod at basa dala ng dinanas namin sa trail ay agad siyang bumaba para hanapin sila. Lumipas ulit ang 30mins ay bumalik ang aming guide dala dala ang 3 naglalakihang bag. Sabay sabing "naipit po sila sir sa may gitna, madami po sila" nanginginig siya habang sinasabi sa akin yan. Muli akong sumilip sa bintana at sa wakas may nakita na akong umiilaw na papalapit.
Frosting leaf heading to the campsite. |
Dumating na sila (Missy, Jim, Mafe at Michelle) Mga nanginginig na sa lamig, naalarma na kaming mga nagpapahinga sa kubo. Bumalik sila Missy at Jim sa pagalalang hindi na sumunod ang mga kasama namin dahil sa takot na baka hindi na sila umabot sa kubo. Habang ako naman ay abalang abala sa pagkuha ng stove para maginit ng tubig at lutuin ang noodles para kahit papano at mainitan sila. Wala na ding malisya noong hinubad ko ang damit ng isa sa kasama namin para bigyan ng body heat. Biglang bumalik si Jim bitbit si Missy (Nawalan ito ng malay habang sinubukan balikan ang mga kasama namin). Mas lalo kaming nag'panic dahil hindi na ito nagre'response habang ginigising namin, kahit na kumukulo ang tubig ay binabad ko ang aking kamay hawak ang maliit na tuwalya para ipunas sa katawan niya. Awa ng Diyos ay nagkamalay din ito matapos ang ilang punasan. Ang naalala ko lang na sinabi niya ay ("Kailangan may sumundo sa kanila, hindi na sila tumatayo dun na daw sila magpapaumaga sa trail"). Madali akong naghubad ng damit at sinuot muli ang mga basa kong damit hiniram ko nalang ang maliit na jacket para may pansangga sa napalakas na ulan. Tinakbo ko ang malawak na damuhan ng saddle naabutan ko ang mga kasama namin na dahan dahang naglalakad (as in parang mga zombie na sila) dahil lahat ng labi nila ay nagbabalat na, habang ang mga mukha naman nila ay puting puti dahilan ng sobrang babad sa ulan at ang klima pa noon ay bumagsak pa sa 5degrees! Narating namin muli ang kubo nagsiksikan kaming (21) katao sa loob ng pang animan na kubo. Natulog kaming lahat ng nakaupo habang nilalamig, kinaya nalang namin dahil kung hindi nila pipilitin ay malaki ang tiyansa na lahat sila ay ma'hypothermia.
Chillin at 10degree C! |
Kinaumagahan ay kahit papano tumila ang ulan, kaya nakuha na naming makababa ng kubo. Sa sobrang lamig kasi nung gabi ay natiis kong wag bumaba para magbawas. Yun na ata ang pinakamalamig na gabi na naranasan ko. Usok ng sigarilyo at ang pagtagay ng Gin ang nakatulong sa akin para kayanin ang lamig ng umaga. Kumain kami ng almusal na parang bibitayin na kami maya-maya, nakuha na naming magbiruan at pagkwentuhan ang dinanas naming kalupitan ng kalikasan. Hindi na kami nagsisihan dahil ang importante ay buhay kaming makakarating ng Ranger Station, naghintay kami na humina ang ulan at nagumpisa na kaming bumaba, tinanaw nalang namin ang summit mula sa hindi kalayuan. Habang nangangako na babalik kami para rumesbak!
Gin for the win. Breakfast! |
Nakababa kami ng buhay at kumpleto, bitbit ang isang hindi malilimutan na alaala ng Mt.Pulag. Nakarating kami ng ranger station kung saan doon na kami nag'wash up at naghanda ng bumaba ng baguio para makauwi na din sa wakas matapos ang 3 araw na paglalakbay.
Akiki Allstars list of participants:
-Missy Penaverde
-Jim Ilarde
-Jojo Fernandez
-Pao Albis
-Samantha Sergio
-Fritz Mcdo
-Lara Martinez
-Melvin John
-Norman Panteleon
-Michelle
-Mafe Aquinde
-Rose ann Arcibal
-Claudine Racheli
-Rhai Castillo
No comments:
Post a Comment