Nagsasa Cove.
Photo by: Lester Manzo |
Isang mala paraiso na pinapalaigiran ng mga pine trees, mga buhangin na nagmula
sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo, at ang malamig na tubig alat na galing ng
South China Sea. Ito ang madalas ilarawan ng mga taong nakabisita na dito.
Humigit apat na oras mula sa Maynila matatagpuan ang bayan ng Brgy. Pundaquit,
San Antonio Zambales. Mula rito ay sasalubungin ka ng bulubundukin tanawin ng
Zambales. Isa itong buy 1 take 1 package para sa mga kagaya kong
hiker/mountaineer. Dahil andyan ang mga bundok ng Balingkilat, Pundaquit, at
Cinco Picos para akyatin. Itong mga bundok na nabanggit ay passage way para
mapuntahan ang mga nagga'gandahan Cove ng Zambales.
Mga ilang buwan lang ang nakalipas noong April 1 ay naging saksi din ako ng nasabing nagtatagong paraiso, binubuo kami ng mga aking mga kaibigan (Lester Manzo, Van Bomediano, Lester Manzo) kasama ang aming mga kaibigang nursing ng Unibersidad ng Santo Tomas na nakilala namin mula sa isang video project. Lahat ay gayak na gayak sa pagbisita sa lugar. Napagdesisyonan naming manatili ng overnight. Kung saan ay nagdali kami ng aming sariling tent para aming maging bahay sa loob ng isang araw, cookset at stove para aming maging kusina at kung ano-ano pa. Dumating ang araw ng pagbiyahe naming patungong Zambales naka ayos na ang lahat mula sa pagkain, sasakyan na gagamitin, pati an gaming contact person para rentahan ng bangka. Pasado alas siyete na ng umaga kami nakaalis ng maynila sakay ng aming narentahan na van ay tinahak naming ang probinsya ng Zambales. Nakarating kami sa Brgy. Pundaquit bago magtanghalian kung saan ay sinalubong kami ng malakas na ulan, dahilan para maaberya ang oras ng pagalis namin sa pagaalalang malakas ang alon ng dagat papuntang Nagsasa. Lumipas ang ilang minuto ay humupa ang ulan kaya ito na din ang naging hudyat ng aming pagalis. Nilisan naming ang lugar sakay ang hindi kalakihang bangka na pagmamay-ari ng aking nakilalang kaibigan si JR. Isa sa mga nagpapaupa ng bangka papunta sa Cove, mahigit isang oras ang tinagal ng aming biyahe papunta ng Nagsasa Cove kung saan nadaanan naming ang mga kalapit nitong cove, ang unang sikat na Anawangin at Talisayen Cove. Pagdating naming sa cove ay sinalubong kami ng pamilya ng mga Aeta na nagaalaga ng lugar tumulong sa mga gamit naming dala. Tinuro kung saan kami magbubuo ng aming tent, maganda ang lugar dahil nasa gitna kami ng cove kung saan tanaw naming ang kumukislap ng dagat, sa likod naman ay ang mga naglalakihang hanay ng mga bundok. Hindi na kami nagsayang ng oras at tulong tulong kami sa pagbuo ng aming tent na magiging tahanan naming sa loob ng isang araw. May iba na nagumpisa ng magikot-ikot sa lugar, ang iba naman at tulong-tulong na nagluto ng aming makaka’kain.
Sinimulan namin ang piging matapos maluto ang aming Tinola,
inihaw na isda at talong, lahat ay tila guton na gutom na dahil sa haba ng
biyahe. Matapos an gaming napagsaluhan ay isa isa ng nagsiliwaliw ang mga
kasama naming, may mga naligo na sa beach, may ibang nanatili sa kanilang tent
para magpahinga, may iba naming humiga
sa dala kong hammock habang tinutugtog ang aming dalang gitara. Naging mabilis
ang oras at hindi naming namamalayan na magga-gabi na pala. Nagumpisa na kaming
maghanda n gaming gabihan niluto namin ang Sinigang na Baboy na parang ngayon
lang namin ito matitikman, kitang kita sa mukha ng aking kaibigan ang saya,
pagod at gutom na dala ng pagtatampisaw sa malawak na dagat ng Nagsasa. Pero
siyempre hindi mawawala ang mga photo bumming para sa aming mga Social
Networking sites. Hihi! Lahat ng pwede ng aming pwede kuhanan ay hindi na kami
nagdalawang isip kunan ito, mula sa napakagandang tanawin mula sa buhanginan,
hanggang sa mga nagtataasang puno na
nagsilbing aming payong sa tapat ng init ng araw. Matapos ang aming
napagsaluhang gabihan ay nagsimula na din ang aming Socials. Nilabas ang
dalawang bote ng alak, sinabayan ng mahabang kwentuhan, at kantahan. Natapos
kami ng madaling araw sabay-sabay ng pumasok sa aming mga tent para magpahinga
dahil may pupuntahan kaming isang sikat na view deck, gaya ng sikat na view
deck ng Anawangin Cove na una kong napuntahan 2008. Halos walang pagkakaiba ang dalawang cove pero ang tanging kakaiba lang sa Nagsasa Cove ay nasa gitna ito ng ilog na dumuduktong sa dagat, may ilang nagsasabi na pag buwan ng tag-ulan ay nagiging parte ng dagat ung ilog. Sa kinasawiang palad hindi ko ito napuntahan napasarap ang aking tulog. Hihi!
Dumating ang kinaumagahan lahat ay gising na habang ako naman ay himbing na himbing pa sa pagtulog dala ata ng sobrang pagod buhat ng mahabang biyahe? Oh sadyang masyado lang akong napainom ng madami? Ewan. hindi ko alam basta (Hihi). Nagising ako tirik na ang araw kaya naman nagmadali na akong kumilos para maghanda ng almusal at maya-mayay maguumpisa na kaming maglakad para puntahan ang view deck. Una akong pumunta kasama ang ilan naming kaibigan, mainit ang buhangin pero sinasabayan naman ito ng malakas na ihip ng hangin kaya Gooooooora lang!
Umakyat sa ilalim ng tirik na araw, wala pang 20mins ay narating na namin ang sikat na view deck! Maganda ang tanawin, tipong hindi mo araw araw na masisilayan nagpahinga saglit. Guess what? photoooooo bummming!
Kuha kung saan saan, pose dito, pose doon. Tila walang pakialam kung malobat man ang dala naming camera. Sinulit talaga namin ang pagkakataon.
Pagkabalik na pagkabalik sa aming campsite naramdaman na namin ang matinding gutom kaya kinain na namin ang lahat ng pwede namin makakain, nagumpisa na din kaming magligpit kanina pa pala naghihintay ang aming bangkero. Busog na ang lahat, ayos na ang mga gamit. Hindi na kami nagsayang ng oras sumakay na ulit kami ng bangka dahil may isa pang lugar kaming pupuntahan ang Lighthouse ng Capones Island. Habang kami ay bumabyahe sa gitna ng malakas na alon. Sinabayan namin ng walang katapusang kantahan, Southborder, Westlife, Backstreet Boys. Basta ung mga sumikat na kanta noong 90's. Nakarating kami sa Capones Island. 'Pero shet men! Tangina ang lakas ng alon! inuuga ung bangka namin, meron na ngang nasusuka buhat ng pagkahilo habang kami naman ay tuwang tuwa dahil ngayon lang namin yun naranasan." Pinayagan kami ng aming bangkero na bumaba para magtampisaw sa naglalakihang alon. Halos lagpas tao ang taas ng alon! Promise! Pero hindi kami natakot mas nagenjoy pa kami. Pila pila kaming tatapat sa alon, at hahayan na tangayin kami ng alon. Para kaming mga nagbalik sa pagkabata noong panahon na yon." Hanggang ngaun naaalala ko pa ung lakas ng alon! Nakabalik na kami ng Brgy.Pundaquit halos pagabi na, nagsiliguan na para maghanda sa 4 na oras na biyahe pabalik ng Maynila.
Babalik daw kami ulit! |
Things to consider:
1. Contact person for the boat.
2. Make sure you have your tent with you. If not, you can rent them to your (Bangkero)
3.) No Cellphone signal
4.) Bring lot of sense of humor and Enjoy!
1. Contact person for the boat.
2. Make sure you have your tent with you. If not, you can rent them to your (Bangkero)
3.) No Cellphone signal
4.) Bring lot of sense of humor and Enjoy!
No comments:
Post a Comment