Literal na chillax!
Una naming pinuntahan ang hindi
kalakihan na Kwebang Lampas, pagkapasok mo ay sasalubungin ka ng mga
bugbog na stalagmites at stalactites , nakakalungkot lang isipin na
hindi ito naagapan maganda sanang attraction ito. Maikli lang ito wala
pang 10 segundo ay mararating mo na ang dulo nito. May napabalita na
maari kang mag Cliff jumping sa isang spot doon pero mag-ingat na lang
sa mga nakaabang na Sea Urchin dahil makikita mo silang nakatumpok sa
babagsakan mo. Pagkatapos naman ng maikling pagliliwaliw ay maari ka ng
magtatakbo sa pinong buhangin, kung hindi naman ay maari kang maghanap
ng magandang pwesto para isabit sa mga puno ng niyog ang iyong hammock
at magchillax ng magchillax ng magchillax ng magchill.. (Tulog ka na. Haha!) Gaya
ng mga sikat na beach resort kaabang-abang ang sunset view, dito namin
nasaksihan kung paano dahan-dahan kinain ng malawak na karagatan ang
malaking araw na hindi mo araw-araw na nasasaksihan. (Winner!) Pagdating
naman ng gabihan ay nagsimula na ang aming piging sari-saring luto pero
ang nagstand-out ang nabili naming Yellow Fin sa halagang P120 (Panalo Bay!) Tinapos namin ang gabi sa tulong ng
kaibigan naming si "Jagermeister" (yey-ger-mays-ter) panalo! Tulog lahat kami pagkatapos. Kinaumagahan, sinimulan ko sa paglangoy at pagsisid sa malagamgam na tubig dagat. Aksidente naman na may nakita kami na lumulutang na patay na Sea Snake (Eeeeew! its so kadiri and scary at the same time.) Dahilan para lisanin namin saglit ang dagat, tinuloy namin ang aming kasiyahan sa pamamagitan ng paglaro ng Luksong Baka. Parang nirenta namin ang beach dahil ni isang tao maliban sa caretaker ang aming grupo lang ang nandoon. Nilisan namin ang beach matapos kaming makapagtanghalian. This is a must try beach! Promise. I rate this 8/10
How to get there:
-Bound bus going to Lucena City. (Ask the driver to drop you off at Pagbilao Bayan)
-Take jeepney going to Brgy. Babang Polo or you can rent it all the way to the Beach
-You may walk or take the bangka going to the main Beach. (Puting Buhangin)
-Haggle with the caretaker of the beach (Hindi ko alam kung may exact reg fee na sila. diskartihan niyo naalng)
-Enjoy. Chillax.
Estimated Budget: P1000-1200
|
No comments:
Post a Comment