Hiking101.WHY DO YOU CLIMB?Isa na ata ito sa pinaka mahirap na tanong, dinaig pa ang pang Two Million Question ng isang lumang game show noon. Bakit nga ba? Unang-una sa lahat napakamahal ng gamit mula sa sapatos na pang hiking, hanggang sa mga naglalakihang backpacks, pati ang tent mismo na pagkabigat-bigat. Maglalakad sa kalsada na tila may kakaibang yabang sa isip. Lalo na pag nagtitinginan ang mga chismoso at chismosang kapitbahay. May iba pang magtatanong kung saan ka dadako at tila may ngiti ka pang sasagot na "Diyan lang sir, may akyat! hehe" Aalis ng madaling araw para magkita-kita sa bus station, magkakamustahan ang mga dati ng nagkasabay sa akyatan meron din namang tila uupo at mananahimik lang sa tabi habang naninigarilyo, At siyempre nandyan din ang aking pinakapaborito sa lahat ang mga NEWBIES. Na maaring nayaya lang ng mga kaibigan, nahila ng boypren, pwede ding gusto lang ma'experience umakyat para meron pang DP sa Facebook!
Maglalakad ng ilang oras sa ilalim ng tirik na araw at kung mamalasin ka pa ay sasalubungin ka ng humahagupit na ulan, habang tumatagal ay nararamdaman mo na ang bigat ng pack mo na tila may Shutter na nakaangkas sa iyong likuran! May sisigaw ng "Sir! take 5 po tayo!" Ayos, makakapagpahinga din! Punyeta. Ibabagsak ang bag at maghahanap ng mauupuan, mapapaisip kung bakit mo ba ito ginagawa hindi hamak na mas masarap ang buhay sa bahay pahiga-higa, may internet, madaming pagkain, etc. Pero bago mo pa maisip ang sagot may sisigaw na "Tara po sir! Push na tayo malapit na yan." Ayos malapit na daw! magmamadali ng lumakad para makarating sa campsite at makapagtayo na ng tent para humilata magdamag, magiikot-ikot sa campsite kuha dito, kuha doon, instagram para mas malupit ang effects! At sabay post sa lahat ng social networking sites. "Errrmergerd! this place is so B-E-A-utiful! I don't want to go home na. #MountaineerMode". Magre'request sa mga kasamang umakyat na magpapicture ng jumpshot, wacky shot, basta shot na unique para sikat sa Instagram. hihi!
Nagdidilim na, oras na para ilabas ang baon kong 3canned goods! Shet. Ansarap pala nila pag sa bundok kinakain, sa bahay hindi ko nga ito magalaw galaw. Pero bago ang lahat siyempre kailangan ko muna tong kuhanan ng malupit Food Pornography ika nga nila. Matapos ang pinakamasarap mong gabihan ay may magyaya ng maginom at ikaw naman ay galak na galak para makisalo sa kanila maguumpisa sa mga kwentong pagpapakilala, paramihan ng naakyat na bundok, pabilisan ng oras, plano sa susunod na akyat, at ikaw bilang isang newbie mananahimik ka nalang at makikitawa ngunit sa isang banda ay may bumubulong sa isip mo na. "taena niyo ang yayabang niyo, maakyat ko din yan! Itag-tag ko kayo sa photo album pagnaakyat ko na yang mga bundok na yan." Makakaramdam ka ng kalasingan at antok hudyat na ito na sa pagpasok mo sa munti mong tent para magpahinga dahil bukas ay kailangan ng lakas para babain ang matarik na inakyat mo. ( Nakakabwisit naman bakit kasi kailangan pang balikan yung dinaan natin, wala bang mas madaling daan?) Gigising na tila may amats pa ng GIN na nainom mo kagabi, uupo at tila ay wala pa sa wisyo ang utak gigisingin ang sarili gamit ang isang stick ng Marlboro Lights makikipagkwentuhan sa mga nauna ng nagising na kasama ang isang locals habang nagkakape. Mainit na noodles at tinapay ang magsisilbing almusal, Maguumpisa ng ligpitin ang nahamugang tent tupi dito, tupi doon, isang rolyo pwede na yan kasya na sa lalagyan yan. Huling photo bumming sa campsite bago muling pagpawisan ang aking paboritong t-shirt, Maglalakad pababa may mga malalakas na tumatakbo para mauna sa liguan doon nalang daw magkikita-kita. Ilang oras ang lilipas at hindi mo mamamalayan nakababa ka na pala. Kuskos dito, pahid ng moisturizing cream, lagay ng whitening lotion para mabalik agad ang kulay matapos mabilad sa araw ng ilang oras. Babawi ng kain sa malapit na carinderia, ayan pwede ng umuwi! Pero bago matapos ang lahat isang group/solo shot muna sa jump off. Makakatulog sa loob ng bus, isa-isa ng maghihiwalay ng landas magbibigyan ng cp number. "Sir! Pa'tag nalang po sa Facebook! " Dadating sa bahay na baon ang isang hindi makalimutang paglalagalag. Hindi pa nakakapag hubad ng sapatos ay dali daling uupo sa harap ng kompyuter para magpost at magupload ng mga litrato. Congrats! Isa ka ng "mountaineer!" Hihi :)
Top 5 favorite minor mountains.
This might help you find your 1st mountain.
Mount Batulao 881+MASL (Nasugbu, Batangas)
The cool weather in Mt. Batulao is a pleasant escape from the city. The moment you arrive at the Evercrest Golf Course – the jumpoff – you will feel the same coolness felt by the visitors of Tagaytay. And this temperature will be with you all the way, especially during the months of January and February, where it is usually dry and cool.
Mount Palay-Palay/ Pico De Loro 664+MASL (Ternate, Cavite)
Centuries ago, the Spaniards aboard their galleons to Manila Bay noticed
the form of a giant parrot, perched in the forested mountains in
Cavite. They named it "Pico de Loro" - "Parrot's Peak" Today,
mountaineers who visit Pico de Loro discover that it is as enchanting as
its name.
|
Mountaineering Monday. Traveling Tuesday. Wasak Wednesday. Thursday Tampisaw. Friday Foodtrip. Shoturday. SINFUL Sunday.
Sunday, September 9, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment