Tuesday, September 11, 2012

Wasak Wednesday!

Mabuhay ang palamurang Pinoy!


TANGINA!
Ito na ata ang pinaka'mahusay na paraan para iexpress ang iyong nararamdaman. Mapa malungkot, masaya, gulat, galit, panghihinayang,  at kung ano-ano pa. Tila parang ngumunguya nalang ng mani kung makapagmura ang mga kabataan ngayon, wag na tayong magmalinis kahit ako ay aminado dito. Mga salita na kahit kailan ay hindi tinuro sa eskwelahan pero parang ito na ata ang unang salita para makabuo ka ng pangungusap.

Bata1: "Uy, putang ina! ang ganda ng episode ng Naruto kanina men gagi, Napanuod mo ba?"

Bata2: "Pakyu nga eh! nakatulog ako ng hapon, tangina kasi nanay ko hindi daw ako ibibili ng costume ni Naruto pag hindi ako natulog. Tara DOTA na lang tayo ampota talaga inaabangan ko pa naman yun."

 Tila mga salitang kusa ng lumalabas sa bibig na hindi mo na mapigilan, epekto ba ito ng masyadong panunuod ng telebisyon? internet? radyo? Parang hindi naman, pag gising ko palang nagaalmusal na ko ng mura, pagbibili ako sa tindahan may maririnig akong mura mula sa mga batang naglalaro ng jolens, pag sumasakay ako ng jeep minsan sa dala ng init ng panahon hindi maiwasan maginit na din ang ulo ni manong drayber para pausugin kami dahil sampuan daw ang upuan ng jeep niya. Naalala ko tuloy ang kwento ng aking tatay, noong panahon daw nila daig pa ang administrasyon ni Macoy, pag narinig daw ng kanilang lola na nagmura sila ay may kapalit itong palo ng bakya sa puwet. Kaya ganon nalang sila katakot magmura noong kapanahunan nila.

 It's 2012! Motherfuckas.
So what we get drunk?! So what we smoke weed?!
Ang mga nagmumura ngayon ay wala ng pinipiling lugar, edad, estado ng buhay,  kasarian? Lalong hindi. Madami na din akong nakasalamuhang babae, bakla, tomboy na kung makapagmura akala mo may auto correct sa bibig na pinapalitan ang unang salita ng Putang Ina! Tangina! Gago! Shet! Fuck! Punyeta! Wala ng bago dito, parang isang expression na cool. Ang tanong? Paano nga ba gumamit ng tamang pagmumura?


 
PUTANG INA- Madalas na ginagamit ni Juan Dela Cruz.
1.) Putang Ina! Ano ba Basha? Papaasahin mo nanaman ba ko?
2.) Putang Ina ka naman eh. sinabe ng meron ako ngaun ang kulit mo!

TANGINA- Madalas gamitin sa isang conversation ng magkaibigan, pag may nangyaring hindi kapani-paniwala.

1.) Tol! Tangina, nakita mo na ung DP ni ano? (sasagutin naman ito ng, Tangina! Oo. )
2.) Bagsak nanaman ata ako sa major ko, Tangina.

GAGO- Maaring gamitin sa pagkukumpara, at pagtatanong.
1.)  Boy1: Ang ganda ng bagong gitara ni Lester men.
      Boy2: Gago, mas maganda kaya ung luma niya.

2.) Boy1: Man! magkatext na kami ulit ni ano.
     Boy2: Gago? Maniwala ako sayo.

SHET- Hindi nalalayo sa Tangina pero, kadalasan ginagamit ng mga nakaka'angat sa buhay.

1.) Security Guard: Goodmorning po sir! Nasaan po ang id natin?
     Student: Shet. I forgot po eh? Can i just make pasok na. I have quiz pa kasi. Pleaseeee?
2.) Owww shet. Iphone 5 is coming!

FUCK- Masarap. masarap pakinggan lalo na pag kay crush galing. Madalas din itong gamitin ng mga babae.

1.) Fuuuuuuuuuuck. Its raining, Can you make me hatid?

2.) Ay fuck! nagkiss na kayo?

PUNYETA- Malutong pero hindi ganon kabastos pakinggan. Para sa mga nagsusuplado.

1.) Boy1: Sir! Pwede po ba kayong istorbihin saglit?
     Boy2: Punyeta. Nakita mo ng madaming ginagawa eh.

2.) Punyeeeeeeeeeeeeeeeeta. Ang ganda ni Jinri Park!


Oh tangina. alam mo na kung pano gumamit ng tamang mura.

zombiography.blogspot.com




No comments:

Post a Comment