Saturday, September 15, 2012

SHOTurday!

Wasak'ers! and Gimenes!

How to make a cheap cocktail drink. 


WASAK'ers!

 

Its a rainy saturday morning!
Perfect timing to para sa malamig na drinking session mamayang gabi.

May idea ka na ba kung anong iinumin niyo?
Sawa ka na ba sa mapait na lasa ng beer?
Sunog na ba ang baga mo sa kakainom ng mga brandy?
Gusto mo naman makatikim ng bago? SAKTO! 


Minsan dumadaan talaga tayo sa panahon na kailangan higpitan ang ating mga sinturon, sabay sabay na datingan ng bills, hindi dumating ang iyong weekly allowance pero gusto mong mag'shot? Gusto mo bang makainom ng mura na pero malakas ang tama? ABA! sakto ka this Shoturday. Ill teach you how to make the best cocktail mix that will cost less than P75. Oo! tama ka dyan brad wala pang isang daan, good for 4-6 people pa. Malamang narining mo na sa mga manginginom ang Gin-pomelo? Sikat na sikat yan noong panahon ng Westlife, A1, at Backstreet boys. Nakakalungkot lang isipin na wala na ATA nagbebenta ng (Pomelo) na juice.  Boracay mix? Masarap! kaso kung mahina ang tiyan mo, siguradong tatambay ka kinaumagahan sa banyo. Man its 2012! Niluma na ng panahon yang mix mo try this!

Wasak kung Wasak!

WASAK'ers!

-Madalas namin itong tawaging "Value Meal" dahil sa halagang P45.00 lang makakainom ka na ng smooth pero pumapalo sa huli! Oo ilan beses na kaming nabiktima nito, Saktong sakto to kapag ang mga kainuman mo ay may mga bulsa sa balat (Mga kaibigang ayaw magambag pero napakalakas uminom! Tamaan sana kayo! Hihi.)

 

 Bakit nga ba WASAK'ers?
-tinawag namin tong wasak'ers dahil mas madalas namin itong inumin ng walang yelo. Oo, walang yelo! sa unang tatlong ikot ay tila parang juice lang ang iniinom mo pero but wait there's more. Matapos ang unang pitcher neto, asahan mo ng medyo makakaramdam ka ng pagkahilo (Depende pa din yan kung malakas ang alcohol tolerance mo.) Pero kadalasan sa pangalawang serving ng pitcher maguumpisa ng gumuhit sa lalamunan mo ang tamis ng pineapple at hapdi ng Gin. Paano gawin to? Napakasimple.


Kailangan mo lang ng mga sumusunod:
-Isang bote ng Ginebra San Miguel (P33.00)
-Isang kahit anong pineapple powdered juice (P10.00)
-750ml na tubig 
-1L pitcher
-Yelo (P2.00)
-Shooters/shotglass
*Para matikman mo ang WASAK'ers siguraduhing wag lagyan ng yelo. A must try!

Nabili ko na mga kailangan ko, paano na?
-
Isoli mo sa tindahan (charoooooot) kunin ang pitcher, ilagay ang 750ml na tubig siguraduhin mong saktong 750ml ha? Ibuhos ang kalahating laman ng Ginebra San Miguel, buksan ang powdered pineapple juice. Dahan dahan mong ibuhos sa bote ng Gin, paghaluin ang dalawa. Here's the tricky part! Ibuhos sa pitcher ang nahalong gin at pineapple, kapag patak nalang ang natira sindihan ang dulo ng bote. (Magingat! marami ng napaso diyan.) Itapat agad sa pitcher, kung tama ang pagkakagawa mo ay aapoy ang bote at paglublob mo sa pitcher ay hihigupin nito laman ng pitcher.
Tenen! Congrats. meron ka ng WASAK'ers! Enjoy.

SOTTO copy from Google.

Gimenes!
(Gin. Melon.Nescafe)

-Hindi ko alam kung sino ang nakaimbento ng mix na ito, hindi ko din alam kung bakit Jimenez/Gimenes ang pangalan nito. Ikaw alam mo ba? Hindi din no? Haha. Pinagsama lang pala ang GIN.MELON at NESCAFE.

Kung isa kang coffee addict na madalas tumambay sa mga mamahaling coffee shops, itry mo nalang to! Saktong sakto sa maulang sabado. Ito ung madalas inumin ng mga college students na nagtitipid dahil sa halagang P55.00 lang makakatikim ka na ng new twist ng Boracay! Hindi pa masakit sa tiyan. Hindi naman siya matrabaho gawin pero sakto lang. Ano mga kailangan mo? Wait, wag kang atat eto na.

Kailangan mo lang ng mga sumusunod:
-Isang bote ng Ginebra San Miguel (P33.00)
-Isang MELON powdered juice (P11.00)
-Isang KOPIKO Brown Coffee (P9.00)
-750ml na tubig 
-1L pitcher
-Yelo (P2.00)
-Shooters/shotglass
 
*Para matikman mo ang Jimenez ala WASAK'ers siguraduhing wag lagyan ng yelo. A must try!


Nabili ko na mga kailangan ko ulit, paano na?
-Isoli mo ulit sa tindahan! ( eto pikooooon. Hihi) Gaya ng ginawa natin kanina sa Wasak'ers. Uumpisahan natin ulit sa paglagay ng tubig sa pitcher, ibuhos ang kalahating Gin. Pagsasamahin naman natin ngayon ang Powdered Melon Juice at Kopiko Brown sa bote ng gin. (Shake well before using!) Siguraduhing wala ng butil ng kape sa loob ng bote. At siyempre para maghalo talaga sila kailangan natin sindihan ulit kagaya ng pagkasindi natin sa Wasak'ers.
(Uulitin ko magingat sa pagsindi sa dulo ng bote!)
Ayan! nakagawa ka ng Jimenez. Umpisahan mo ng mag'mix at ipagyabang ito sa mga kaibigan, classmate, katrabaho, etc lagi mo lang papakatandaan na! "Pag may ALAK, may BALAK!" (Ayyy mali!) "Ang alak ay dinadala sa tiyan. Hindi sa UTAK!" Enjoy.


Ganito kahimbing ang tulog mo pagkatapos.
 
"Drink Moderately, Lumandi Responsibly!"

2 comments:

  1. Jhef try mo yng red wine ala pobre:

    Isang bilog ng Gin
    Grape Juice
    Yelo
    Kalahating Pitchel na tubig
    Mga Baliw na kainuman na maniniwalang red wine nga yung tinitira nyo

    hahaha! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi sit bong! A must try nga ata yan! Salamat. hehe Red Wine ala Pobre

      Delete