Tuesday, September 11, 2012

Traveling Tuesday

Wala! Tumakas. Pumunta ng San Pablo.

Lake Calibato

7 lakes located at the City of San Pablo in Laguna.
Bunot. Calibato . Pandin . Yambo . Palakpakin . Mohicap . Sampaloc


 It was a cloudy tuesday afternoon  when my friend (Irene Cardenas) and I met at  Mcdonald's. Yea! we're like looking for a WiFi hotspot area, kasi its so bagal on my house kasi. Hahaha! Accidentally we discuss about the famous lake somewhere in San Pablo, Laguna, Not knowing that my friend was regularly visiting that place for a long time. I invited her to tag along with me on my scheduled trip on Saturday.  And due to our excitement we have decided to make that trip the next day. Yes! Agad-agad may pinagdadaanan kami nung mga panahon na ito. Saka we're masalapi u know?

Lake Mohicap

 
Dahil sobra kaming naging excited parehas pa kaming tumakas sa aming mga bahay bahay. Nakalimutan ng magpaalam basta ang alam namin hindi kami aabutin ng kinabukasan. Sumakay ng Jam Liner Bus na pabiyaheng Lucena, Bumaba ng SM San Pablo para silipin ang loob nito tila may hinahanap kami na wala sa kahit anong SM na nasa Manila. Napasakay pa kami ng tricycle papuntang plaza. Sa plaza matatagpuan ang lumang Cathedral of San Pablo,  madalas ko talagang unang pinuntahan ang mga lumang simbahan, Iba talaga ang ganda ng mga simbahan kapag luma na. Pumapasok sa loob ng simbahan ang sinag ng araw dahil butas ang kisame, mga pintuan na dahan dahan ng kinakain ng panahon, mga upuang nagdiskaril na ang mga turnilyo. Pero gayun pa man ay tila hindi ito iniinda ng mga deboto ng Cathedral of San Pablo.Saglit na nagalay panalangin sa kanilang chapel, at nagnilay'nilay. Sa sobrang pagiisip ginutom na kami napahanap na kami ng pinakamalapit at murang carinderia natagpuan namin ang carinderia sa tapat ng lumang San Pablo City SM (Shopping Mall).

San Pablo Cathedral



SM. (Shopping Mall) make sense.





Food is Pornography, Its an art.
 Mura na! Masarap pa! Wala pang P100 ang kinain namin partida 2 kanin pa kami nyan.  Matapos kaming kumain at nagmasidmasid sa lugar dito na kami nagisip kung pano namin mapupuntahan ang sikat na 7 lawa ng San Pablo. Naiwan ko ang aking kopya ng aking Itineray  na hiniram ko mula sa sikat na blogspot ng Pinoymountaineer.com



Lakas loob na nagtanong sa mga tricycle kung paano kami makakarating sa aming destinasyon, Iba't ibang direksyon ang tinuturo sa amin. "Ay balak niyong puntahan yung pitong lawa? Sumakay kayo ng ganito, ganyan, tapos magtricycle kayo, magpababa kayo sa lake ganito ganyan." Aminado akong hindi ko kabisado ang lugar kaya tinanong ko kung magkano kung magpapa'serbis na kami papunta sa lawa. Nang marinig ko ang sagot ng mga napagtanungan kong driver, hindi na ako muling nagtanong nainis lang ako sa halatang hindi pantay na pagbigay ng presyo sa amin. Pero may isang tahimik na tricycle driver ang nakatingin sa amin na tila bang sinasabihan kami na "Niloloko ka ng mga yan! Wag kayong pumayag" Nagmadali akong lumapit sa kanya at kinausap. napagkasunduan namin na P350 ang pagarkila sa kanya. Tama nga sila na magkakalayo ang mga lawa, pero hindi naman siguro kami baliw para pumayag sa 250 kada tao. (Pasalamat siya hindi pa ako gumagamit ng Instagram noon, kukuhanan kita ng stolen shot. Haha



Tourista shot.
 
 Una kaming dinala sa Lake Bunot, simpleng lawa na ginawang palaisdaan ng mga taga roon. Kinuhanan lang namin ang lugar at umalis na dahil nagbabadya ang malakas na ulan. Saktong sakto inabot kami sa tricycle ng malakas na ulan, pero dahil basa na rin kami ay tinuloy na namin sa kasunod na lawa. Para kaming nagbalik sa pagkabata habang tinatahak ang Lake Calibato. Sweet no? Tinalo pa namin si John Lloyd at Toni Gonzaga sa scene nila sa My Amnesia Girl. Pagdating namin sa pangalawang lawa ay may naabutan kaming mga namimingwit, naalala ko tuloy bigla ang aking Lolo madalas kaming mamingwit noong gradeschool pa ako. Nung nagbinata na siyempre nakaka'dyahe kung makikita ako ng crush ko na nakababad sa ilog.

"Its so eeeewww, kaka'kadiri kaya yung tutusukin mo ng hook ung little worm sabay lulunurin mo pa para kainin ng isda? Its a big No No."  

Gaya ng ginawa namin sa unang lawa nagkuhan lang ng litrato, tumambay saglit, para magmuni'muni sa lugat. Maya maya ay may 3 batang dumating nagulat kami dahil umakyat sila sa puno, na tila tatalon mula sa taas. Hindi nga ako nagkamali tumalon nga.
Lake Yambo

Ito na ang pinakahihintay namin! Ang sikat na twin lake ng Pandin at Yambo. Pero bago mo masilayan ang ganda nito kinakailangan mo pang maglakad ng 15mins para makita ito, sulit ang pagod mo pag naaninag mo na sya sa malayo. Sinalubong kami ng mga grupo ng Kababaihan ng Lake Pandin at inanyaya kaming sumakay sa kanilang balsa sa halagang P180 kada tao. Sulit na sulit dahil maliban sa sobrang laki ng balsa, maari mo ng tawirin ang dulo ng lawa para masilayan ang Lake Yambo. Matapos ang maikling akyat at baba ay may nakahandang Buko juice na sa inyong balsa, titigil ng ilang minuto sa gitna ng lawa para lumangoy. Hindi ko mapilit ang aking kaibigan na lumangoy kaya magisa ko nalang nilangoy ang lawa, habang siya ay nakikipagkwentuhan sa mga bangkerang babae.


 "Yeah, they're making girl talk while im enjoying the warm lake"






I don't usually ride Balsa, but when i do. Like a Boss!

Lake Mohicap. marked with this ad from that happy bee.
 
Palakpakan sa Lake Palakpakin.

Wag pilitin ang ayaw. Lalo na paghindi marunong lumangoy!



Chill Chill din!


"Sabi ko naman sayo lumalangoy ako non eh" (Jhong Baysa)

Aba. Iha! Ligo ligo din sayang entrance. Hihi :)


Panalo tong buko na to. Ano kaya lasa nito pag may bayad?


Matapos ang ilang minuto na pagpapalutang sa gitna ng Lake Pandin, nagdesisyon na kaming magayos para mapuntahan pa namin ung 3 huling lawa. Ang Lake Mohicap , Palakpakin, at ang pinakasikat ang Sampaloc.  Mula pagalis sa Lake Pandin hanggang makarating kami sa huling lawa ay hindi na kami tinigilan ng malakas na ulan. 


 Habang kami ay pabalik na sa plaza ay inimbita pa kami ng aming serbis na kumain at makitulog na sa kanilang bahay. Pasasalamat na din daw sa pagpili sa kanya dahil masarap daw ang uulamin ng pamilya niya, nagpasalamat nalang kami at sumakay na din ng bus dahil baon ang isang masayang alaala ng bayan ng San Pablo.




 



7 Lakes of San Pablo.
based on my Itinerary.  Its a must try!
  1.  Lake  Bunot
  2.  Lake  Calibato
  3. Lake Pandin and Lake Yambo
  4. Lake Mohicap
  5. Lake Palakpakin
  6. Lake Sampaloc
Irene Cardenas.
 Thank you again to my friend (Irene Cardenas) for making this possible. :)







2 comments:

  1. i love how you write jhef! parang magkatabi lang tayo at nagku-kwentuhan! i've never been to these lakes.. sana makapunta din ako dyan soon! oh the 1st photo so nice! 'luv et! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi sir! Thank you, tama para kahit hindi pa tayo nagkakameet para na tayong nagkwe'kwentuhan. hehehe! I can be your guide/buddy on 7lakes.
      *free of charge :)

      Delete