Magkita-kita tayo sa presinto.
Kung iniisip mo na patungkol ito sa napapabalitang Cyber Crime Law
na ipinatupad nagkakamali ka kosa, mahirap kalabanin ang
maimpluwensiyang gobyerno. Ano ba naman ang laban ng isang hamak na
estudyante sa naglalakihang pangalan na nasa kinauukulan. Hindi ito
tungkol sa pagapruba ng batas ni Pangulong Benigno Aquino III na anak ng dating senador na si Benigno "Ninoy" Aquino II na matatandaang ibinuwis ang buhay para lang ipaglaban ang kalayaan mula sa madilim na diktatorya ng Martial Law.
Na nagsasaad na pagtatanggal sa ating kalayaan na ilahad ang ating
sasaloobin gamit ang teknolohiya gaya ng mga social networking sites
gaya ng Facebook, Twitter, Tumbler at kung ano-ano pa. ( RA No. 10175 )
Ito'y isang munting liham mula kay "Internet", ang tanging medium para makakonekta tayo sa mundo ng World Wide Web.
Oktubre 3, 2012
Magandang araw sa iyo! Marahil kilala mo na ako hindi ba? Hindi ko na
kayang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan sa mga nangyayari ngaun sa
paligid pati mismo ang pangalan ko ay nakakalakad at nadadawit na sa mga
nagkalat na issue. Oo, ako ang ginagamit mo tuwing kailangan mong
maghanap ng mga bagay lalo na sa pagaaral mo. Ako ang nagsisilbing
library, bahay aliwan, palipasan ng oras at kung ano-ano pa, taas noo
kong maipagyayabang na kung hindi dahil sa akin ay hindi mo na muling
makikita ang iyong mga mahal sa buhay na linisan na ang magulong bansang
Pilipinas at mamuhay sa ibang bansa, pati ang mga nawalay mong
kaibigan, classmate, o kaopisina kaya ko kayong pagsama-samahin kahit
wala akong sariling kamay at paa. Marahil ay binabayaran mo ako ng
buwan-buwan, minsan naman ay nabibilang ka sa mga nanlalamang at
nagagamit mo ako ng libre. Siguro naman ay kilala mo na kung sino ako
ngaun? Ako'y nababahala sa maaring paghihiwalay nating dalawa, kaya bago
pa mangyare ang aking kinatatakutan papaalalahanan sana kita sa wasto't
tamang paggamit mo sa akin. Ito'y isang liham kung saan ay sana
intindihin mo ng husto at isakatuparan.
Kung
sususmahin ay 8 sa 10 tao ay alam at marunong akong gamitin, maaring
nagagamit mo ako sa trabaho, eskwelahan, at sa pakikipag social
networking. Alam kong alam mo ang tama at mali maging nasa tamang gulang
ka man o hindi, nararapat naman sigurong isipin mo muna kung ano ang
iyong ilalagay at ibabahagi sa akin maiintindihan kong minsan ay hindi
mo nakakayanang isiwalat ang iyong saloobin, pero nais ko sanang ipaalam
sayo na ako'y walang kakayahang intindihin lahat ng gusto ninyong
ipahatid. May mga dumadaan sa kabiguan, mayroon ding hindi mapigilan ang
sayang nararamdaman kaya nais mo itong ibahagi sa lahat ng makakabasa
nito at ang iba ay tila wala ng mapagkaabalahan kaya kung an-ano nalang
ang ipinaglalagay mo sa akin. Ginawa lang ako ng tao wala akong
pakiramdam, ang tangi ko lang alam ay ang pagkuha at pag'display nito sa
harap ng iyong monitor. Wala akong pakialam kung ang inilagay mo sa
akin ay maaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan o hidwaan ng
nakakarami, hindi rin kita kayang pigilan para sabihing "Kaibigan, hindi
tama itong gagawin mo maaring makasakit ka ng damdamin ng iba". Pero
anong magagawa ko? Alila mo lang ako, wala akong kakayahang humingi ng
tawad sa mga taong nagawan mo ng kamalian. Kompyuter lang ako kaibigan.
Isang hamak na application ng kompyuter.
Nakakanuod
ka sa akin ng mga libreng palabas gaya ng pag live stream tuwing may
laban ang iniidolo mong boksingero, o kung may timpalak sa kantahan,
minsan mas mainam pa ako sa dyaryo, radyo at tv. Dahil 24/7 akong
nagbabahagi ng mga nangyayari sa mundo mo. Kung may gusto ka namang mga
awitin, libre ko itong ipinapakinig sayo kung minsan pa ay walang
pahintulot na kinukuha mo ito para ilagay sa iyong bagong biling ipod.
Sa araw na ikaw ay masalapi, ako ang nagsisilbing malawak na tindahan ng
sarit'saring bagay para iyong mabili, sa pagtago ng iyong mga larawan at
lahat ng uri ng memorabilia. Gaya ng tubig, kuryente, pagkain at damit,
isa na din ako sa pangangailangan ng tao. May mga taong nakakasalalay
sa akin kapag ako'y wala napipilitan silang lisanin ang ginagawa at
bumalik sa tradisyunal na paraan sa paghanap ng mga datos at
impormasyon. Hindi sa nagmamayabang pero masasabi kong "Isa na din ako sa dahilan kung bakit ka nagiging prodaktibo, ako ang tumutulong sa iyo sa paglabas ng iyong tagong saloobin". Sa
maniwala't ka o hindi marami na din akong nabuong ibigan at nauwi na sa
pagkakaroon ng pamilya, ako ang nagiging tulay sa inyong ligawan
hanggang sa paghanap ng pinakamurang lugar kainan para sa inyong mga
okasyon. Ngayon ikaw ang tatanungin ko, Importante ba ako sa iyo o
hindi?
Hindi
na din natin maipagkakaila na lahat kayo ay nahuhumaling sa paggawa ng accounts sa mga sikat na social networking sites para makasama at
makilala ang iba't ibang uri ng tao. Kaibigan nais kong ipaalala sa iyo
na lahat ng inilalagay mo sa akin ay nakikita ng buong mundo. Hindi
naman siguro narararapat na ipagsigawan na galit ka dahil hiniwalayan ka
ng iyong gf/bf. Maari lang kitang bigyan ng simpatya pero ang kusang
pagbura sa mga bagay na hindi na dapat malaman ng ibang tao ay hindi na
abot ng aking kakayahan. Pati ang pagbabahagi ng mga larawan o video na
iyong kaibigan na hindi kanais-nais para lang makakuha ka ng pansin mula
sa ibang tao ay awtomatiko ko itong mabubura. Uulitin ko lahat ng inilagay
mo sa akin ay habang buhay ng nandidito, mabura mo man yan. Hindi ito
gaya ng lapis na kapag gusto mo itong burahin ng agad-agadan ay mabubura
mo ito. Alam kong hindi maganda ang pamamalakad ng gobyerno ng inyong
bansa at gusto mong marinig ang iyong tinig kaya gagamitin mo ako para
makuha ang atensiyon ng iyong mga kakilala at kaibigan, nagaalab ang
iyong damdamin sa mga pagkakamaling gawain nila. Naniniwala din ako sa
salitang demokrasya kahit hindi ako miyembro ng lipunan, alam ko ring
hindi tama ang paglagay ng busal sa iyong bibig. Maraming paraan para
maisakatuparan ang minimithi mong pagbabago, pero bago mo sana ito
ibahagi sa akin sana ay mapagisipan mo ito ng ilang beses, isipin mo
kung ito ba talaga ay makakatulong at magsisilbing solusyon sa dinadanas
mong problema. Masakit man tanggapin pero nagmimistulang bingi ang mga
nasa kinauukulan. Ang mga binoto niyong lider ng bansa ay tila hindi
tumupad sa kanilang mga plataporma, at reporma. Hindi madali ang
pamamahala sa isang bansa na ilang dekada ng naghihingalo ang
ekonomiya, kaya nga ilang ulit kong ipinaalala sayo noon na piliin mo
ang nararapat umupo sa katungkulan.
Hindi
ba't mas magandang simulan mo muna sa iyong sarili ang salitang
disiplina? Halimbawa nalang sa paglagay mo ng iyong status, tweet, blog
atbp. Iwasan mong makasakit ng damdamin ng ibang tao, kung mayroon kang
nais iparating sa taong hindi mo nakasundo ay nariyan ang ibang
teknolohiya gaya ng cellphone para doon kayo ay makapagusap ng pribado
para mapagkasunduan ang mga bagay-bagay. Wag mo ng idamay ang walang
muwang na maralita sa away ninyong dalawa. Kung may nakikita ka mang
iregularidad tama na siguro na ipagbigay alam mo nalang ito sa mga
kinauukulan, sila ang mas may kaalaman para dito. Iwasan mo ng murahin sila sa iyong mga post, maglabas ng mga malisisyong litrato, o kung ano pang uri ng panlalait.
Think before you CLICK kaibigan.
Dito ko na tatapusin ang liham ko, hindi ako taliwas sa iniisip mong hindi kita sinusuportahan nandito ako para mag bigay gabay sa iyong ipinaglalaban. Naway maging matagumpay at mapayapa ang iyong pakikibaka. Salamat ng marami sa madalas mong pagdalaw sa akin.
Nagmamahal,
-INTERNET.
|
|
|
|
No comments:
Post a Comment