Daily doze of zombiography.
Mountaineering Monday. Traveling Tuesday. Wasak Wednesday. Thursday Tampisaw. Friday Foodtrip. Shoturday. SINFUL Sunday.
Wednesday, October 3, 2012
Wednesday, September 26, 2012
WASAK Wednesday.
Shupatembang. (Kapatid)
Thursday, September 20, 2012
Thursday Tampisaw!
Puting Buhangin sa Pagbilao, Quezon
Last 2011, naghahanap kami ng perfect location para sa aming yearly "beachineering" yung tahimik, hindi masyado crowded lalo na yung hindi pa madalas puntahan ng mga tao. Kahit imposible sinubukan pa din namin maghanap sa net, laking gulat namin nung nakita namin ang isang blog tungkol sa "Kwebang Lampas". Hindi naman kalayuan ang Pagbilao, Quezon kaya agad namin na napagdesisyunan na ito nalang ang aming puntahan. Nagplano, Nagbudget, at Nagprepare para sa aming beach explo. Sinakto namin na last week of April kami pumunta para paubos na ang mga turista para masolo namin ung beach. (Choosy kasi kami that time eh.) We have all the things we needed from direction to the location, pati ung contact person, which is yung pinsan ng isa sa mga kasama namin, pati ang aming meal plan. Kaya Lets Go!Board a bus heading Lucena City, bumaba kami sa mismong bayan ng Pagbilao. Namili ng last minute groceries at mag early lunch dahil sa gutom dala ng ilang oras na pagkababad sa biyahe. Rumenta kami ng jeep dahil marami kaming dala at mahigit 15 ata kami non, sa pagkakaalala ko ay inabot lang ng P25 per head ang binayad namin. Habang tinatahak namin ang daan ay una mong mapapansin ang isang planta na may malaking chimney na may puti at pula na kulay, habang sa kabila naman ay tanaw na tanaw ang higanteng Bundok ng Banahaw. Dumating kami ng Brgy Babang Pulo within 20-30mins, kung saan kailangan gumamit kami ng maliit na bangka para tawirin ang maliit na ilog na nagkokonekta sa beach. Mga 10mins na lakaran kung saan dadaan kayo sa napakalambot na carabao grass, habang tinatakpan ng mga nagtataasang puno ang kapaligiran. Pagdating namin sa gate ng beach makikita mo ang signage na "Private property of Lukang Family". Sinalubong kami ng kanilang katiwala at doon ay nagumpisa na kaming makipagtawaran sa kanya regarding sa aming registration fee, Nagkasundo kami sa halagang P50 kada tao (Mura na yan sir, sulit naman). Pagkadating namin mismo sa beach ay para kaming nakakita ng portrait ni Angel Locsin ng naka half-naked, lahat kami ay hindi makapagsalita sa sobrang ganda ng lugar, napakanipis ng buhangin na maari mong ikumpara sa mga kilalang beach sa Batangas. Hindi hamak na mas pulbo ito kaysa sa mga napuntahan ko ng beach. Naabutan namin ang grupo ng mga babae (Yes! puro chix at mga naka two piece sila men! Hihi). Pero dahil mas nabighani kami ng lugar nagumpisa na kami maghanap ng magandang lugar para ipitch ang aming mga tent, at magsimula ng magliwaliw.
Ito ung bangka na magtatawid sa inyo papunta sa beach. |
Ito naman ung sasalubong sa inyo. Mga 5mins walk going to the beach. |
Let the Tentan-tentan begins! |
Simply. Amazing! |
Tuesday, September 18, 2012
WASAK Wednesday.
Characteristics of a GUY.
Parehas-parehas lang yang mga LALAKI!
Malamang isa ka na din sa mga nakabasa or nakarinig ng mga kataga na yan. Kung makapagsabi akala mo natikman na lahat ng uri ng lalaki sa mundo, sister! maybe you only met one of them palang kasi you know? There's a lot of fish in the sea nga dba? Yes, im pertaining to you (the one reading this) It doesn't matter if you're a guy or a girl, and siyempre those lovely 3rd sex peeps! Hi. Today we'll check out if your boylet, frenemy, or just plain friend belongs to the most kilala one's. Be mind that these are just based on my thoughts. (You can make yours if you wanted too.)
The MATINO Guy.-The mostly average guy. He's like a full package came from the box! Walang bisyo, he seldom by-stands with his friends, He never came home late from any gala or anything. He can be your labidabi, your kuya, your tutor on some subjects (maybe?) He's the one that makes you libre every time you're with him. Text and call you every single time, never misses a day without saying "I love you babe! goodmorning" , "Hey! nothing? mua :) "and etccc..... Sa sobrang bait niya ung tipong ikaw na ang mahihiyang lokohin siya, pero some (take note HINDI LAHAT ha?) girls don't like that too much mabait guy kasi. Sobrang predictable na minsan? Hindi niya pa ginagawa alam mo na. Some (take note) girls kasi want to have a little challenge when it comes to relationship. Dont worry. Iba't iba ang category ni MATINO Guy.A.) The Ningas Kugon- give him 3months or more. Pag nagbago siya without reason, maybe he just want something on you? Or kung masasabayan mo naman ang biglang changes niya Gooooo. Hihi! B.) The Consistent One- THIS! Bakit kokonti nalang kaming ganito? Charoooot! If you think naman that he's making that bigtime efforts. Aba, ikaw ang swete. Bigyan mo ng jackeeeeeet! The Funny Guy.-Nung nagsabog ang panginoon ng Sense of Humor masipag ang nanay nito makipagsiksikan! Nasalo ata lahat. This guy can make your day complete in a snap, the way he pull some out of the box jokes. He never fails to make you laugh all the time. And by that he'll make it as his strength, suddenly you'll fell inlove with him. And it's up to him kung paano niya maba'balance ang pagiging funny suitor/friend the same time ang pagiging boyfriend. Pero ingat lang din!A.) The Funny Guy (Only)- Wala lang nakakatuwa lang talaga siya, lahat ng gawin niya napapatawa ka. But be mind that the Nakakatawa is way too different from Napapasaya ka. B.) The misinterpreted Funny Guy- Sometimes it runs in the blood na kasi? Like you're going to meet a new set of friends tapos meron dun na Mr.Congeniality. And by that "tag" wala na siyang magagawa kung hindi maging funny kahit ayaw niya. And eventually you'll like this guy naman. Pero mahirap naman kasi kung lagi nalang tawa ang sagot sa relationships, (right?) Seryoso din kasi minsan ayyy! Hihi! The Artist Guy.-If you're into painting, photgraphy,or any form of art. Better go with this guy! Sometimes he's weird, but most of the time malalim siyang magisip. Hulaan mo ang regalo mo sa 1st monthsary niyo? Either portrait picture mo (which is sweet naman talaga) Or ticket sa CCP to watch "Phantom of the Opera" hahaha! Just kidding. Pero im sure naman na malambing yan saka sa dami ba naman ng nabasang art related na babasahin nakakakuha din ng tips yan. And to seal this one for sure ikaw ang madalas na subject niya sa kanyang mga Obramaestra! pero dahil love niyo ang isa't isa mageenjoy kayo sa ginagawa niyo. Just be safe (Hihi!)A.) The Multimedia/Digital Artist Guy- Dito ngaun nahahati ang papa mo, dahil sa teknolohiya nakukuha ng iadopt ng mga kompyuter ang mga kailangan ng tao. Photoshop for example; Siyempre si guy ang taga'edit , taga'kuha, taga'like ng mga photos niya. (Real talk) Most of the time ang bonding niyo eh siyempre Art. Photography ang mostly bonding time nito or any movie trippings. Enjoy! B.) TheTraditional Artist Guy- Ops. Baka isipin mo sila ung mga nangongolekta ng lumang vase, mga lumang weapom of war or kung ano pang luma. Traditional means anything that's not digital like photo manipulation and everything. Pero masaya din naman gumawa ng mga paso gamit ang makinis at madulas na putik diba? Sweet non! The Athlete Guy.-Pagpapawisan ka dito! Literal friend. Kasi naman napakalawak ng sakop ni kuya minsan marathon, swimming, or pag medyo richie rich naman dadalin ka sa bowling, darts, pati archery yayain ka. Pero most of the time naman ang bonding niyo will be jogging at Boni Highstreet and after that bystand muna kayo sa Starbucks para mag 1 slice of cake. Boom! bawi ang tinakbo niyo. Pero kung ayaw niyo naman pagpawisan eh magstay nalang kayo sa bahay para manuod ng Starsports, ESPN, BTV at humanda ka sa umaatikabong cheering kapag nagsimula na ang NFL, NBA, at FIFA! At least masaya ka na sa partner mo, healthy living ka pa. haneeeeep! Jumajackpot.A.) The Basketball Playa Guy- Girl make sure you have with you a box of strepsils! Kasi kahit bangkosi boylet kailangan ikaw ang nagstandout sa crowd! Win or Lose masaya ka pa din. At kapag siya ang may hawak ng bola ay hindi ka na matitigil sa kakasigaw ng Shooooooot! Shooooooot that ball babe! Pero pagnamintis daig mo ang coach kung mainis. Pero chill lang, as long as nakikita ka niya sa court kinikilig yun! And in return mas gagalingan niya. And after the game kailangan positive feedback kahit ung solo na lay-up niya ang nagpatalo sa team. Hihi! Kaya make sure kung basketball playa si boylet make him magaling! Ayt? B.) The Sports Illustrated Guy- Hindi siya uber galing na athlete pero ask him anything about sports, Daig pa niya ang may almanac ng World of Sports. So may idea ka na pag 1st monthsary niyo? Kung avid fan ka ng basketball may shoes ka ni Kobe, Lebron, or Durant na pirmado pa nila! Kadalasan sa S.I.G richie. Pero sweet in a sporty way. (Paano yun?) The Outdoor Guy.-I found an article that will explain this one. here --> Date a guy who climb mountains!Date a guy who climbs mountains. Date a guy who hikes for hours to reach the highest peaks just for the heck of it. He’s the one with the muddy shoes, smelly backpack, worn-out hiking pants and a complexion that has survived the worst of sunburns. Date a guy who feels right at home on a campsite, who thinks electricity and indoor plumbing are non-essentials. He can pitch a tent that’ll keep you warm and dry even amidst the pounding rain. He can fix up a kitchen with just a foldable stove, a canister of butane and two metal pots. He will serve you hot soup and well-cooked, fluffy rice and they’d be the best stuff you’ve ever tasted after a whole day of trekking. The Dancer Guy.-I dont know anything about them even if they're Breakdancers, Swaggers, HipHop and everything. Oo! Kahit DI pa yan dito pa din siya nagfa'fall. The good thing about them naman ay habang kayo ay nag'aargue pwede kayong mag'interpretative dance para mas dramatic! Oha oha. Hindi ko na siya sinama sa Artist Guy kasi masyadong malawak ang Dancing World. Pero ikaw ang tatanungin ko, marunong ka bang sumayaw? Kung OO, scroll down mo pa. Kung HINDI naman eh maari mo ng iskip tong part na to. Kasi para samin lang tong mga dancers! hahaha. Most of them makikita mo sila with their earphones plugged in, habang pumipitik-pitik ng steps! Like if you get it!The Tambay Guy.-Hey wait! Bago ka maturn'off sa kanila alamin mo muna baka isa na ang bet mo sa kanila. Yes hindi sila pumapasok sa school its either nag'stop sila for a while, nag lay off sa trabaho, fresh grad na walang trabaho, or talagang walang plano sa buhay. Grabe aabutin tayo ng ilang page pag inisa isa natin sila. Pero for me sila ang mga Mr.Effort No.2 kasi they have all the time in the world to court you, andyan ung susunduin ka nila right after school, or work? Saludo ako sa kanila. Dahil naranasan ko na din ang buhay tambay. Pero worth it din kasi nagka'GF ako kahit tambay ako nun kaso hindi nga lang tumagal. Pero kahit ano pang explanation ang gawin natin nahahati lang ito sa dalawa. Yes DALAWA.
The Tambay Guy (Na may pangarap sa buhay)- Yes baby, sila ung naghihintay lang ng BIG BREAK! Para maprove sayo na kaya ka niyang buhayin no matter what happens. Sila ung maabilidan na tao kahit na nag-aaral ka pa sa exclusive or UAAP school eh, hindi siya nahihiya or nawawalan ng pag-asa sayo. Minsan sila pa mismo ang iniidolo ng mga richie guys out there. Kasi naman kayang kaya nila gawan ng paraan ang mga bagay with limited resources. Lupit diba?
The Tambay Guy (Na walang pangarap sa buhay)- Yes. May ganyan! Pero kahit wala silang pangarap sa buhay 2 lang ang mapapangako nila sayo.
1.) Magandang LAHI
2.) Habang buhay na PAGMAMAHAL
Oh diba? daig niyo pa sila Katerina at Miguel sa Walang Hanggan. Kahit na wala kayong makain mahal niyo pa din ang isa't isa. Til death do us part! Patibayan nalang ng sikmura! Pero kung mahal mo naman talaga siya eh. Ikaw na ang magpasan ng krus para lang maging productive ang samahan niyo. Gooodluck ng madami!
The Lasinggero Guy.-Ano pa bang hahanapin natin dito sa tao na to? Madami! Alamin mo ang dahilan kung bakit ito naglalasing, kung mahal mo ito ikaw ang gumawa ng paraan kung paano niya ito malilimatahan. Subukan mo din munang maging lasinggero para malaman mo kung ano ang pinagdadaanan namin, este nila pala! Pero gaya nga ng sinabe noon pa. "Dont judge the book by its cover!" Maraming lasinggero ang mga successful ang mga buhay, At nasa matataas na antas na sila ng lipunan, yung mga nakikita mong lasinggero sa kalsada sila naman yung uri ng lasinggero na by profession hindi lilipas ang araw ng hindi dumadaloy sa lalamunan nila ang pait at tabang ng alak. Wag mo na sila subukan awayin dahil hindi ka mananalo magsisimula lang kayo ng World War 3! Pero sa ganyang labanan mas panalo ang babae. "Wag kang uuwi ng lasing! nakalock ang pinto! Kung gusto mo pumasok maligo ka muna!" Ed sunod naman ang lalaki. With that thing you can control the world of your man! Im pertaining to the SUSI ha! SUSI ng PINTO :))))The Addict Guy.- If you can't beat them, join them! Hahahaha! Joke lang. Madalas na involve dito ay ang Weeds at Valium pero kahit ano pa yan hindi pa din maganda tignan dahil hindi naman lahat ng tao eh Open Minded pagtingin sa ganyan usapin, sai ko nga as long as walang ginagawang masama sayo ang tao at wala namang tinatapakan iba. SMOKE LANG! Respeto nalang. Haha. Alam mo ba ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa? tanungin mo siya. Kahit na sabog yang mga yan pag ang gf na ang humarap titino at titino yan.A.) The Super Addict Guy- Hindi lang ito gumagamit regularly pero pati siya mismo ay nagbebenta na din, mga tao na hindi na kayang controlin ang bisyo. Hindi mabubuo ang araw pag hindi nakatikim ng bisyo. Matakot ka na pag naging ganito na si boylet dahil maaring anytime ang date niyo sa rehas na. Ingat! B.) The Rastaman Addict Guy- Hindi regular user. Pero pag meron hindi naman hayok na hayok kayang meron kayang wala, gumagamit ito para lang mastressout sa mga bagay bagay. Tatawanin ka lang ng tatawangan, mamaya ay dahan dahan na tong maiistuck up sa isang pwesto. Makakatulog ng mahimbing at pagkagising ay maghahanap ng makakain. Madalas din itong mahilig sa mga reggae music kasabay ng paghithit ng ipinagbabawal na usok. Jah Rastafaria man! Light it up. Puff Puff din yan! :) The Musician Guy.-Kukuhanin ang loob mo gamit ang kanyang mapangakit na boses, or ang paggamit ng talento sa music. Habang ikaw naman ay kinikilig kapag inaawitan ka niya ng mga favorite mo acoustic love songs. Ano pang aasahan mo? Dinner date na may acoustic live band. Kung ito naman ay may banda ay ikaw ang aasahan na photographer ng banda nila. Pero ingat dun girl! Ang musikero ay kakambal ng salitang "appeal" meron at meron maakit kay boylet. Kaya ikaw dapat ay marunong makiramdam, hindi mo siya masisisi kung may naeentertain sila dahil likas na palakaibigan ang mga ito.A.) The Band Guy- Kadalasan na gitarista at vocalist, isasama ka sa kanilang band practice, at kung mamalasin ka ay mapapakanta ka ng mga opm hits na babae ang kumakanta. Instant female vocalist ka! Bigyan to ng cd! haha. Mapapasabay sa trip ng mga kabanda kung kakain sa ganito, manunuod ng ganito, pero siyempre dapat nababalance ang banda at gerlet. B.) The Rakista Guy- Mahilig ito sa music, kaso music ang hindi mahilig sa kanya dahil hindi ito nabiyayaan ng talento. Asahan mo na mahilig ito sa mga concert mapa Myx Mo pa yan oh kahit anong libre na concert. Madalas itong may mga kaibigan na nagbabanda kaya pati ikaw ay mapapasama kung manunuod ito ng tugtog nila. The Estudyante Guy.-Malawak ang sakop nito pero magfocus nalang tayo sa dalawang madalas na uri ng estudyante. Ito ung gagawa ng paraan kahit na hindi kayo magkabatch at magkaklase ay makukuha niyang sabay kayong kakain kapag break niyo, sabay kayong uuwi kahit mauuna pa siya. Maaring maganda at hindi maganda ang kalabasan ng ganitong relasyon. Minsan kasi meron hindi papasok para lang makasama sayo tuwing wala kang klase, oh mas ginugugol niya ang pagsama sayo kesa pasukan ang mga klase niya.A.) The Gamer Estudyante Guy- Ano pang iniisip mo? Dota, Weapons of War at LOL ang nilalaro niyan! Paumanhin pero wala akong alam sa mga iyan, baka mas alam mo yan? 5V5 ata yun? Basta minsan ikaw tulog na habang siya naman ay busing busy sa pagpapalevel ng account niya. Pero hanggat kaya niya pa din pagsabayin ang pagaaral, ang pagiging boyfriend, at ang pagaaral niya walang problema. Tuloy ang laro! Hihi. B.) The Anime Estudyante Guy- Wala ako masyadong kilalang Anime sa ngaun, lahat puro nung kabataan ko pa! Sila gokou, eugene, taguro at kung sino2 pang sumikat noon ang mga kakilala ko. Sila ang mga modernong anime lover number one supporter ni Naruto. Asahan mo ng kakanta din yan ng theme song nila na kahit hindi niya alam ang translation ay kabisado niya ito. KPOP? Hahahaha. Apit. saranghaeyo.... |
Monday, September 17, 2012
Mountaineering Monday
I have survived Mount Pulag. (via Akiki trail)
Mount Pulag as seen from akiki jumpoff. |
Mount Pulag (Kabayan, Benguet) kilala bilang Luzon's Highest peak/ 3rd highest peak in the Philippines. May sukat na 2922masl,
nahahati ito sa (4) na trail Ambangeg, Akiki, Tawangan, Ambaguio.
nahahati ito sa (4) na trail Ambangeg, Akiki, Tawangan, Ambaguio.
February 10 2012.
DENR |
Habang busy ang lahat dahil fiesta sa aming lugar, ako
naman ay gayak na gayak na sa aking akyat sa Mount Pulag. Sinigurado ko
na wala akong makakalimutan ni isa sa mga gamit ko, matapos akong
makapagpaalam sa bahay ay tumulak na ako papunta ng Victory Liner Bus
Terminal sa Cubao. Tila sumobra ang aking pagliligpit ng biyahe dahil
pagbaba ko ng foot bridge ay paalis na ang aming bus. Oo men! nasa
edsa na ung bus nung dumating ako, tumakbo ako sa gitna ng Edsa! Buti
nalang hindi sa bandang gitna dumaan yung bus kaya nakatigil pa ito para
pasakayin ako. Sinalubong ako ng masigabong palakpakan mula sa mga
kaibigan at kasama ko sa climb. Dahil beating the buzzer nga daw ako,
muntik ko ng mapalagpas ang pinaka'memorable na climb. Ito ang unang
pagkakataon na makaakyat ako sa benguet at lumipas ang mahigit 10 taon
ay makakarating na ulit ako ng Baguio. Hihi! Matapos ang humigit 5 oras
na biyahe pa norte ay narating namin ang Baguio, mas ginusto ko pang
manatili sa bus kesa sa bumaba dahil sa sobrang lamig! Kinailangan ko
pang suotin ang makapal kong jacket kasabay ng paghigop ng mainit na
Strawberry Taho para lang makatambay sa labas. Ilang minuto lang ay
dumating na ang jeep na maghahatid sa amin patungong Mt.Pulag National Park para sa maikling briefing at para makapag'log in na din. Pero bago dumating doon ay may dinaan kaming sikat na lugar kainan ng mga umaakyat ng pulag ang Pinkan Jo'Eatery masasarap ang mga pagkain dito at maganda ang bantay ng tindahan nila. (promise!) kaya binabalik-balikan ito ng nakararami.
Akiki jump off |
Mahigit 2 oras na biyahe sa mabangin na daan ang kailangan naming daanan para marating ang main jump off ng Akiki trail sa Kabayan, Benguet. Binati kami agad ng matarik na daan bago makarating ng Ranger Station. Mula dito ay nagpasya na kaming mag early lunch bago kami magsimulang magtrek papunta sa una naming destinasyon ang Eddet River na magsisilbi naming campsite para sa araw na yon. Matapos naming kumain ay nagumpisa na kami sa mahigit 2 oras na akyat baba para marating ang Eddet River. Ito ang aming magiging campsite dahil sa malapit na water source, nilabas ko na ang aking bagong biling tent para subukan kung kakayanin ba nito ang lamig ng lugar. Napakaganda ng panahon noon, mahangin na maaraw magandang timing to para sa mga nagtre'trek. Dumating na din ang iba naming kasama kaya nagumpisa na din kaming magluto ng aming makakain para sa gabi dahil kailangan namin gumising ng maaga para magtrek papuntang campsite ng Pulag. Pagkatapos naming kumain ng gabihan ay may naglabas na ng isang bote ng GSM (pampainit bago matulog). Kaya ayan start na kami ng socials namin, wala pang 2oras ay ubos na ang alak kaya nagsipasukan na kami sa aming mga tent para magpahinga.
Ang sikat na Pinkan Jo Eatery. |
Photo ops bago kami magsimula magtrek. TEAM SOLE! |
view from Mt.Pulag National Park shot by Sam Sergio |
view from Akiki Ranger Station |
Marlboro Country. |
Kinaumagahan matapos kaming magkapag almusal ay hindi na kami nagsayang ng oras at nagsimula na kami magtrek paakyat. Maganda ang panahon noong nagsimula kami, totoo nga ang mga sabi sabi ng mga nakadaan na dito. Napakatarik ng trail at tila nanganganak pa, aakyatin mo ang mataas na parte sabay sasalubungin ka pa ng madaming mas matatarik pang daan! Nakarating kami ng Helipad matapos ang 1oras na akyat mula sa Eddet River. take10! grabe ang hirap ng trail sobrang tatarik! kaya binalibag ko na ang backpack ko na mahigit 20kilos ang bigat. Humiga saglit para makakuha ng lakas para sa susunod pang 6 na oras paakyat ng campsite. Nagsimula ulit kaming umakyat, damang dama ko na ang hirap ng daan habang pataas naman ng pataas ang trail. Pero nakakapawi naman ng pagod kahit papano ang tanawin mula sa trail may dinaanan kami dito na parang plantation ng puting bulaklak, nagtataasan na pine trees, saka ang malamig na klima. Nakarating kami ng Marlboro Country saktong kailangan na namin kumain ng tanghalian, mabilis na kain ang ginawa namin para ang matitirang oras ay ibubuhos namin para makaidlip man lang kahit saglit. Dahil ilang oras pa ang layo namin sa campsite kailangan pa naming umakyat ulit ng 3 oras sa tinatawag na mossy forest kung saan wala ng isang oras ang layo nito sa campsite. Maganda pa din ang panahon mula sa Marlboro Country.
Eddet River. |
Dun pa kami sa taas nun! Tapos sa taas pa nun! |
Greetings from Akiki trail! |
Magsasawa ka sa ganitong daan. Promise |
4hours nalang campsite na...
Last solo photo before the most awaited tragedy! |
Kahit sobrang pagod at hingal. Yan nalang ang mindset ko habang tinatahak ang mossy forest, mas friendly na ang trail kahit papano kung ikukumpara mo ang daan sa Marlboro Country. Walang namang kakaiba sa mga oras na iyon, pero alam ko na may kalayuan na ang distansya namin mula sa huling grupo. Narating namin ang huling watersource, dito ay nagtake'10 kami para hintayin ang mga kasama para sabihan magload na ng tubig na dadalin namin sa campsite. Naalala ko pa na sinabihan ako ng guide namin na "Sir, ung mga gustong magsuot na ng jacket isuot niyo na po. Nagbabadya ang ulan" Napaka'araw pa noong sinabe niya sakin yan, nagtaka ako kung pano niya nalaman pero dahil mas alam niya ang daan ay sinuot ko na ang pang ulan ko na jacket. Pinuno ko na din ang 6L na tubig sa takot na wala ng water source sa taas. Habang nagpapahinga ay nakuha ko pang magpa'picture dahil sabi ko sa guide ko na baka ito na ang huling picture ko kung babagyuhin tayo. Hindi lingid sa kaalaman namin na may nagbabadyang bagyo ayon sa weather forecast na nabasa namin. Pero dahil nandito na kami wala ng atrasan sayang ang pagkakataon. Yun na pala ang huling pagkakataon na makakausap ko ng maayos ang mga kasama ko.
Pabati muna! Hihi. |
Nagumpisa ng umambon habang tinatahak namin ang mossy forest, sa pangambang lumakas ang ulan nagpasya ako na sumabay kami ng guide ko (July) sa nauunang porter at dun nalang kitain sa campsite ang iba naming kasama. Nagmadali na kaming maglakad na parang may humahabol sa aming armadong grupo. Pagkalabas na pagkalabas ng mossy forest ay may narinig akong malakas na ugong ng hangin parang may helicopter na papunta sa aming direksyon wala pang isang minuto ay binayo kami ng napakalakas na hangin kasabay ang malakas na hagupit ng ulan. Oo! tama nga ang prediksyon ng guide namin. Sa sobrang lakas ng hangin ay hindi ko na makita ang daan basta ang alam ko lupa pa ang dinadaanan ko na pagtumingin ako sa kaliwa't kanan ay purong puti nalang. (Bangin na pala ito!) magkasunod lang kami ng guide namin. Kinakailangan pa namin dumapa at umupo para hindi kami matangay ng malakas na hangin, at ang patak ng ulan ay parang maliliit na butil ng mais na tumatama sa katawan namin. Dala na din ng sobrang pagod pinilit ko nalang din makarating ng campsite, pero dahil sa lakas ng ulan ay hindi kakayanin magcamp sa labas. Salamat nalang sa hindi kalakihan na kubo (ang pahingahan ng mga guide sa Saddle Campsite) Doon na kami dumiretso kasama ang 2 naunang porter at kaming 2 ng guide. Sa loob ng kubo ay damang dama namin ang hagupit ng ulan at hangin akmang inuuga na mismo nito ang kubo. nakapag'palit na ako ng damit, nasuot ko na ang 2 patong na t-shirt, 1 longsleeve at jacket. Habang ang pangbaba ko naman ay isang makapal na jogging pants habang nakapatong ang aking tuyong trek pants. Handang handa na ako matulog, hindi ko na ininda ang gutom ang importante makapagpahinga na ako sa madaling
panahon. Lumipas ang isang oras nagumpisa ng kainin ng dilim ang lugar, wala pa din akong matanaw na tao o kahit ilaw man lang. Dito na ako nagumpisa kabahan para sa mga kasama kong naiwan sa trail. Lalong lumakas ang ulan at hangin kinausap ko ang aming guide na si (July) kung maari niya bang sunduin ung mga naiwan kong kagrupo, kahit pagod at basa dala ng dinanas namin sa trail ay agad siyang bumaba para hanapin sila. Lumipas ulit ang 30mins ay bumalik ang aming guide dala dala ang 3 naglalakihang bag. Sabay sabing "naipit po sila sir sa may gitna, madami po sila" nanginginig siya habang sinasabi sa akin yan. Muli akong sumilip sa bintana at sa wakas may nakita na akong umiilaw na papalapit.
Frosting leaf heading to the campsite. |
Dumating na sila (Missy, Jim, Mafe at Michelle) Mga nanginginig na sa lamig, naalarma na kaming mga nagpapahinga sa kubo. Bumalik sila Missy at Jim sa pagalalang hindi na sumunod ang mga kasama namin dahil sa takot na baka hindi na sila umabot sa kubo. Habang ako naman ay abalang abala sa pagkuha ng stove para maginit ng tubig at lutuin ang noodles para kahit papano at mainitan sila. Wala na ding malisya noong hinubad ko ang damit ng isa sa kasama namin para bigyan ng body heat. Biglang bumalik si Jim bitbit si Missy (Nawalan ito ng malay habang sinubukan balikan ang mga kasama namin). Mas lalo kaming nag'panic dahil hindi na ito nagre'response habang ginigising namin, kahit na kumukulo ang tubig ay binabad ko ang aking kamay hawak ang maliit na tuwalya para ipunas sa katawan niya. Awa ng Diyos ay nagkamalay din ito matapos ang ilang punasan. Ang naalala ko lang na sinabi niya ay ("Kailangan may sumundo sa kanila, hindi na sila tumatayo dun na daw sila magpapaumaga sa trail"). Madali akong naghubad ng damit at sinuot muli ang mga basa kong damit hiniram ko nalang ang maliit na jacket para may pansangga sa napalakas na ulan. Tinakbo ko ang malawak na damuhan ng saddle naabutan ko ang mga kasama namin na dahan dahang naglalakad (as in parang mga zombie na sila) dahil lahat ng labi nila ay nagbabalat na, habang ang mga mukha naman nila ay puting puti dahilan ng sobrang babad sa ulan at ang klima pa noon ay bumagsak pa sa 5degrees! Narating namin muli ang kubo nagsiksikan kaming (21) katao sa loob ng pang animan na kubo. Natulog kaming lahat ng nakaupo habang nilalamig, kinaya nalang namin dahil kung hindi nila pipilitin ay malaki ang tiyansa na lahat sila ay ma'hypothermia.
Chillin at 10degree C! |
Kinaumagahan ay kahit papano tumila ang ulan, kaya nakuha na naming makababa ng kubo. Sa sobrang lamig kasi nung gabi ay natiis kong wag bumaba para magbawas. Yun na ata ang pinakamalamig na gabi na naranasan ko. Usok ng sigarilyo at ang pagtagay ng Gin ang nakatulong sa akin para kayanin ang lamig ng umaga. Kumain kami ng almusal na parang bibitayin na kami maya-maya, nakuha na naming magbiruan at pagkwentuhan ang dinanas naming kalupitan ng kalikasan. Hindi na kami nagsisihan dahil ang importante ay buhay kaming makakarating ng Ranger Station, naghintay kami na humina ang ulan at nagumpisa na kaming bumaba, tinanaw nalang namin ang summit mula sa hindi kalayuan. Habang nangangako na babalik kami para rumesbak!
Gin for the win. Breakfast! |
Nakababa kami ng buhay at kumpleto, bitbit ang isang hindi malilimutan na alaala ng Mt.Pulag. Nakarating kami ng ranger station kung saan doon na kami nag'wash up at naghanda ng bumaba ng baguio para makauwi na din sa wakas matapos ang 3 araw na paglalakbay.
Akiki Allstars list of participants:
-Missy Penaverde
-Jim Ilarde
-Jojo Fernandez
-Pao Albis
-Samantha Sergio
-Fritz Mcdo
-Lara Martinez
-Melvin John
-Norman Panteleon
-Michelle
-Mafe Aquinde
-Rose ann Arcibal
-Claudine Racheli
-Rhai Castillo
Subscribe to:
Posts (Atom)